HANNAH'S POV: MATAAS na ang sikat ng araw nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung paano kami nakarating dito sa bahay na nirentahan ni Russel dito sa isang village kung saan tanaw ang malawak na lupaing luntian. Ang mga nagtataasang bundok at mga alagang baka sa paligid. Tahimik dito at walang transportation. Medyo magkakalayo din ang mga kabahayan na katulad sa mga lumang moderno ng bahay. Tanaw mula dito sa bahay na kinaroroonan namin ang isang napakataas na talon sa bundok. Kahit ramdam kong nanghihina pa ang katawan ko dala ng mahabang byahe at pinagsaluhan namin ni Russel kagabi, bumangon na ako. Napangiti akong humalik na muna sa asawa kong nahihimbing pa rin. Nakayapos pa ang braso sa baywang ko at tanging brief lang ang suot. Solo kasi namin ang buong bahay. Bungalow

