HANNAH'S POV: IMPIT akong napapairit na hindi mapakali sa silid namin ni Russel! Bakit ko ba kasi nagawa iyon? Nakakahiya! "Gosh, Hannah! Pauwi na nga kaya siya? O balewala lang sa kanya ang ini-send ko?" usal ko na palakad-lakad sa gilid ng kama. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Nakailang baso na nga ako ng tubig para kalmahin ang sarili ko. Pero heto at kay bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Hindi pa rin ako mapakali. Gusto ko siyang tawagan para malaman kung uuwi na ba siya? O hindi. Pero nahihiya naman na ako. Kung bakit naman kasi nag-send ako ng larawan ko na hubo't-hubad sa kanya. Nakakainis! Lumabas ako ng balcony para makalanghap ng sariwang hangin. Napayakap pa ako sa sarili ko na sumalubong ang malamig na ihip ng hangin sa akin. Umuwi na kasi kami ng bahay ni Rus

