HANNAH'S POV: NANGINGITI akong nakamata kay Russel habang inaayos nito ang mga damit na dadalhin namin sa bakasyon. Matapos ang nangyari noong isang araw sa boutique clothing store ng ate ay naging matamlay kasi ako. Kahit pilitin ko ang sarili ay kusang tinatamad ako at halata sa mga mata kong nalulungkot ako. Kaya naman nag-aya si Russel na ituloy na namin iyong honeymoon namin na hindi pa namin nagagawa. Nasa hospital kasi noon ang mommy nang ikasal kami. Kaya hindi na kami nakapag honeymoon. Isinasama nga namin si mommy pero tumanggi ito. Gusto niyang magsolo kami ni Russel at honeymoon daw namin iyon. Hindi naman siya maiiwang mag-isa dito sa mansion. Umuwi kasi si Ate Tarah dito para may kasama ang mommy. Nangako naman ang ate na hindi niya pababayaan si mommy at isasama sa shop k

