Chapter 5

4535 Words
HANNAH'S POV: PALAKAD-LAKAD ako sa gilid ng mommy habang pinag-iisipan ang kasal ko bukas. Ayon sa nalaman ko mula kay tita, matandang binata daw ang mapapangasawa ko. Dati itong tanyag na business man. Pero nalugi at nalulong sa casino. Ilang taon na raw itong nagtago sa publiko. Dahil walang tumatanggap sa kanya na kumpanya para makapagtrabaho ito. Kaya ngayong bumalik siya sa mga magulang, iyon ang kondisyon ng pamilya niya sa kanya. Ang maghanap siya ng mapapangasawa at matanda na siya. Ang bangko namin ang napili ng pamilya niya na tulungan. Pero kapalit no'n, isa sa amin ang ipakasal sa anak nila. At dahil matanda na ito at walang pera, tumanggi si Delilah kaya heto at ako ang napasubo na ipakasal sa lalakeng iyon. Napabuga ako ng hangin. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang isip at puso ko sa kung anong gagawin ko. Natatakot ako na baka lalong mapasama ang kalagayan namin ni mommy sa piling ng mapapangasawa ko. Pero may bahagi din sa puso ko ang gustong sumugal dito dahil ito na ang pagkakataon ko para makalaya kami ni mommy sa kamay ni Tita Daniella. "Ano bang dapat kong gawin? Magpapakasal na ako o tatakas na lang?" usal ko na palakad-lakad. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya hindi ako makatulog. Habang lumilipas ang oras ay lalo akong hindi mapakali. Naupo ako ng silya katabi ang mommy at ginagap ang kamay nito. Malamlam ang mga mata kong tumitig sa mukha nitong namumutla na ang kulay. Kitang pumayat na rin ang mommy katulad ko sa hirap na pinagdadaanan namin magmula nang mawala ang daddy. Idagdag pang hindi kami nakakakain ng maayos kaya mabilis bumagsak ang katawan namin. "Mommy, magpapakasal po ba ako? Hindi ko po kilala kung sino ang mapapangasawa ko. Wala akong idea kung sino siya at anong itsura niya. Ang sabi ay isang matandang binata ang taong iyon. Ibig sabihin. . . matanda ang mapapangasawa ko. Ano ba namang klaseng kapalaran ito. Gusto ko pong tumakas pero paano kayo? Saan ako kukuha ng pagpapagamot niyo kung tatakas ako?" pagkausap ko sa aking ina at hindi mapigilang maiyak na lamang sa sitwasyon naming dalawa. Napayuko ako sa gilid nito at umidlip na muna. Dama ko na rin kasi ang antok at pagod ko. Madaling araw na. Kaya ilang oras lang ang pwede kong itulog. Kahit labag sa loob ko, wala akong ibang pamimilian. Hindi ko isusugal ang buhay ng ina ko. Natatakot man ako na magpakasal sa hindi ko kakilala, mas matimbang naman sa akin ang buhay ng aking ina. NAALIMPUNGATAN ako nang may yumugyog sa balikat ko. Napatuwid ako ng upo na napatingala sa yumugyog sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Sa nanlalabo kong paningin, unti-unting luminaw ang pigura ng isang lalakeng naka-formal na nakatayo sa gilid ko. "Yes? Sino po kayo?" namamaos ang boses kong tanong. Napahilamos ako ng palad sa mukha. Dama ang pangangalay ng leeg ko sa pagtulog ko nang nakaupo sa tabi ng ina ko. Yumuko naman ito sa akin na ikinakurap-kurap ko. "Magandang umaga po, ma'am. Pasensiya na po kayo, ma'am, na naabala ko ang pagtulog niyo. Araw po ng kasal niyo ngayon at ipinasusundo na kayo sa amin ng boss namin," magalang saad nito. Napapikit ako na napahilot sa sentido ko. Muntik ko nang makalimutan na sabado ngayon. Napuyat pa nga ako sa kakaisip kung tatakbo ba ako sa kasal ko o itutuloy ito. "Okay lang po, sir. Sandali lang. Maliligo lang muna ako." Sagot ko. "Heto po ang susuotin niyo, ma'am." Saad pa nito na may iniabot sa aking shopping bag. Napalunok ako na napababa ng tingin doon. Kung hindi ako nagkakamali, isang sikat na clothing brand ang logo ng shopping bag. Nangangatal ang kamay ko na inabot iyon. "B-bakit dalawa po ito?" tanong ko na mapansing dalawa ang shopping bag. Ngumiti naman ito. "Sandals po 'yong isa, ma'am. Iyan po ang ipinadala ni boss na isuot mo." Sagot naman nito. Napatango ako. Nangangatal ang kamay na inabot iyon. Bumaling ako kay mommy at mapait na napangiti. "Magandang umaga, Mommy. Maliligo lang po ako ha?" pagkausap ko pa dito at yumukong hinagkan ito sa noo. "Hihintayin po namin kayo sa labas, ma'am." Magalang pamamaalam nito na tinanguhan ko. Lumabas ito ng silid kaya pumasok na rin ako ng banyo. Napabuga ako ng hangin na napatitig sa shopping bag na dala-dala ko. "Akin na kaya ang mga ito? O ipapasuot lang sa akin ngayong araw para magmukha akong presentable?" usal ko. Kung akin na kasi ang damit at shoes na ito, sa mahal ng mga ito ay pwede kong ibenta at magagamit ang pera para sa amin ng mommy. Alam ko namang hindi biro ang presyo ng mga ito at mga sikat na celebrity at mga mayayaman sa bansa lang ang nakaka-afford na bumili ng mga gan'tong gamit. Napailing ako na mapait na napangiti sa sarili. "Imposible, Hannah. Tiyak na babawiin din nila ang mga ito pagkatapos ng kasal." Kastigo ko sa sarili. Mabilis na akong naligo. Kahit inaantok pa ako ay wala na akong magagawa. Matapos maligo ay inabot ko na ang damit na susuotin ko. Napaawang pa ako ng labi na mapasuri dito. Isang white sleeveless silky dress na napakalambot ng tela at elegant tignan. Abot ito hanggang ibabang tuhod ko. Pero may slit ito sa kanang bahagi ng hita ko. "Ang ganda," namamanghang anas ko na magaan itong niyakap. Ngayon lang kasi ako magsusuot ng gan'to kagarang dress sa tanang buhay ko. Napalambot ng tela nito at ang sarap sa balat! Napangiti ako na ninamnam na muna saglit ang tela nito bago ko ito isinuot. Ingat na ingat pa ako at baka masira ko siya. Napangiti ako na mapasuri sa repleksyon ko sa salamin. Sumakto kasi ang size nito sa katawan ko. Hindi ako sanay na magsuot ng gan'to, pero sa nakikita ko naman ay bumagay siya sa akin. Nakalantad ang punong-braso ko at cleavage sa lalim ng vline nito. Hindi rin masikip sa bandang balakang ko. Saktong-sakto lang kaya nakabakat ang mala coca-cola kong balingkinitang baywang. Napa-side view ako na may ngiti sa mga labi. Nakalantad din ang likuran ko. Pero dahil maputi at makinis naman ang balat ko ay ang sexy ko tignan lalo na't bakat ang bilugan kong pang-upo! Nag-init ang mukha ko na napatikhim. Pilit umaktong normal. Inabot ko ang shoes ko at gano'n na lamang ang pagkaawang ng labi ko na makitang ang latest at limited edition ng sikat na brand ng Channel iyon! Kulay puti din siya na sakto lang ang taas ng wedge. Napakakintab pa nito na nakakapanghinayang isuot at baka madumihan! "Gosh! Ang ganda naman nito!" impit kong irit sa isipan! Nangilid ang luha ko. Luha na dala ng labis-labis na saya na ito ang unang beses masusubukan kong magsuot ng gan'to kagara at kamahal na sandals! Naglagay na muna ako ng moisturizer sa buong hita ko pababa sa paa ko bago maingat na isinuot ang sandals. Napaawang pa ako ng labi na bumagay iyon sa paa ko! Napatuwid ako ng tayo na marinig na may kumatok sa pintuan. "Ma'am, ako po ang mag-aayos sa inyo. Pakibilisan po ang pagbihis dahil baka ma-late po tayo," wika ng babae na napakagalang ng pagkakasabi. "Palabas na po," sagot ko na inabot ang suklay ko at mabilis sinuklay ang buhok ko. Paglabas ko ng banyo, may dalawang babae ditong naka-salon uniform pa. Ngumiti at yumuko ang mga ito sa akin. "Ma'am, kami po ang naatasang mag-aayos sa inyo." Magalang wika ng isa. "G-gano'n po ba?" tugon ko na alanganing ngumiti. Nagpatianod ako sa mga ito na inalalayan akong maupo ng sofa sa sulok. Kaagad nilang binuksan ang kanilang make-up tools at nagsimulang ayusan ako. Ang isa ay nasa likuran ko. Inaayos ang buhok ko. Habang ang isa naman ay nakatayo sa harapan ko. Siya ang umintindi ng make-up ko. Nakapikit lang ako. Hinayaan ang mga ito. Mabuti na lang at may ipinadala silang mag-aayos sa akin. Para naman bumagay ang suot sa itsura ko. ILANG minuto lang ay tapos na ang mga ito. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at nasasabik na makita ang itsura ko sa salamin. Matamis namang ngumiti ang mga ito na napasuri pa sa kabuoan ko. "Perfect!" bulalas pa ng isa na napakalapad ng kanilang ngiti. "Tara na po, ma'am. Baka maipit pa kayo sa traffic." Wika ng isa na iniabot sa akin ang isang wedding bouquet flower. Alanganin akong ngumiti na inabot iyon. "Sandali lang po. Magpapaalam lang ako sa mommy ko." Pamamaalam ko. Tumango naman ang mga ito. Lumapit ako kay mommy at yumukong hinagkan ito sa noo. "Mommy, aalis na po ako. Wish me luck po. Sana. . . sana tama ang naging desisyon ko. Na magpakasal sa taong hindi ko kakilala para na rin makawala na tayo kina tita." Bulong ko na muli itong hinagkan sa noo bago lumabas na ng silid. Tahimik ako na nakaupo sa backseat. Hindi na nga ako nagulat na makitang isang white limousine pa ang sasakyan namin patungo sa venue ng kasal. Wala akong idea kung saan ito gaganapin. Kung anong tema at kung sino-sino ang mga dadalo. Napapabuga ako ng hangin. Pilit kinakalma ang sarili at piping nagdarasal na sana. . . sana magiging maayos ang kapalaran namin ng mommy sa kamay ng magiging asawa ko. Maya pa'y huminto na ang limousine sa harapan ng isang cathedral. Napalunok ako. Muling bumilis ang t***k ng puso ko. Napagala ako ng paningin sa paligid. Nagkalat ang mga bodyguard sa harapan ng cathedral. Bumaba naman ang driver na siyang sumundo sa akin kanina sa hospital. Pinagbuksan niya ako ng pinto na may ngiti sa mga labi. Nangangatog ang mga tuhod ko na bumaba ng sasakyan. Sabay-sabay namang yumuko ang mga bodyguard dito na madaanan namin. Inihatid ako ng driver sa tapat ng nakasaradong pintuan at saka bumaling sa akin. "Are you ready, ma'am?" magalang niyang tanong. Napalunok ako. Pilit ngumiti at marahang tumango dito. Kinatok naman nito ang pintuan saka bumaba ng hagdan. Naiwan akong mag-isa sa tapat ng pinto. Maya pa'y dahan-dahan iyong bumukas na ikinasinghap ko! Muling nagkarambola ang pagtibok ng puso ko at parang napako ang mga paa sa harapan ng pintuan. Wala namang ibang tao dito sa loob. Maliban sa dalawang nasa harapan. Ang pari at ang isang lalakeng naka-tuxido ng ternong puti. Napalunok ako. Nangangatog ang mga tuhod na humakbang papasok. Habang papalapit ako ay sa groom ako nakamata. Napakagwapo kasi nito. Matangkad at mestiso. Pamilyar sa akin ang mukha niya. Pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Naka-pokerface naman ito habang tuwid na nakatayo at matamang akong pinapanood. Hanggang sa makarating na ako sa harapan niya. Saka ko lang naalala kung saan ko ito nakita! “Akala ko ba isang pulubi ang magiging asawa ko. Bakit ang isang tanyag na si sir Russel Smith ang nandidito? Imposibleng naghihirap na siya at bumagsak ang kumpanya niya. Maayos pa naman iyon–two years ago a. Na-bankrup nga kaya siya kaya heto at magpapakasal sa isang katulad ko kahit na wala naman siyang mapapala sa akin?” piping usal ko na walang kakurap-kurap na nakamata dito! Para akong matutumba sa tiim ng pagtitig nito. Natuod ako sa harapan nito. Hindi makakilos na makilala siya. Gumalaw naman ang sulok ng itaas nitong labi na humakbang palapit sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet ko habang nakamata dito. Bawat paghakbang niya ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko! Dama kong trumiple pa nga ang pangangatog ng mga tuhod ko nang nasa harapan ko na ito! "Oh, careful." Ani nito na napakalalim ng baritonong boses! Napalunok ako na napasinghap na napakapit sa braso nito. Muntik na kasi akong matumba--mabuti na lang at nahapit ako nito sa baywang na kinabig padiin sa kanya gamit ang isang braso! Lalong dumagundong ang kabog ng dibdib ko na nalalanghap ko na ang mabangong hininga at manly perfume nito! Parang gusto ko na tuloy maglambitin sa kanyang batok sa sobrang gwapo at bango nito! "S-sorry," utal kong paumanhin na tumuwid ng tayo. "Are you afraid?" pabulong niyang tanong na kaagad kong inilingan. "H-hindi naman. Kabado lang po, sir." Pag-amin ko. Mahina itong natawa at iling. Nangunotnoo naman akong nilingon ito na nagtatanong ang mga mata. Bahagya itong yumuko at bumulong sa akin na ikinatigil ko. "Don't put po when you're talking to me. Don't call me sir too. I am your husband, remember?" pabulong saad nito ma ikinasinghap ko. Nag-init ang pisngi ko na alanganing ngumiti dito. Sa nakikita ko naman ay hindi siya masungit. Bagay na lihim kong iponagpapa salamat sa Poong Maykapal. "Let's go?" ani nito na naglahad ng palad. Napalunok ako na napasunod ng tingin sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Napapikit ako na humingang malalim at kinalma ang sarili. Nang mas magaan na ang paghinga ko, dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Nangangatal pa ang kamay ko na inabot ang kamay nitong nakalahad pa rin sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin dito nang marahan niyang pisilin ang kamay ko. Dahilan para muling magkarambola ang pagtibok ng puso ko! Tipid itong ngumiti na sinenyasan na akong magtungo kami sa harapan na marahan kong ikinatango. Para akong paslit na nagpatianod ditong inakay ako sa harapan ng pari na nakangiti sa amin. Kakatuwang kahit ngayon lang ulit kami nagkita ay unti-unting naging panatag ang isip at puso ko kahit na hindi ko naman talaga ito lubusang nakikilala. Tiyak akong hindi na niya ako natatandaan sa tanyag niyang tao. Minsan na kaming nagkaharap ni Sir Russel. Iyon noong nagpunta ako sa opisina ng dating kasintahan ko--two years ago na pag-aari pala nito ang kumpanya. Nakasabayan ko siya sa elevator habang paakyat ako ng floor na opisina ni Evans. Natulala pa ako sa kanya na makita kung gaano ito kagwapo at katangkad! Paglabas ko ng opisina ay nakasalubong ko ito. Siya pa nga ang dumalo sa akin at kinarga ako patungo sa kanyang opisina nito dahil nawalan ako ng malay sa sobrang kabiglaan ko sa naabutan ko sa opisina ng boyfriend ko! 'Yon nga lang paggising ko, ako na lang ang nandoon. Wala na ito. Inihabilin naman niya ako sa isang tauhan niya at iyon na rin ang naghatid sa akin pauwi ng bahay. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas. Pero kung titignan ko si Sir Russel ngayon? Parang walang nagbago sa itsura niya. Hindi manlang siya tumanda. Buhok niya lang ang nag-iba. Dati kasi ay maayos ang gupit nito. Ngayon ay mahaba ang buhok niya na nakapusod at bumagay naman sa kanya. Para siyang hot daddy sa mga miniseries na napapanood ko online! "Hey," kalabit nito na nakalutang ako sa kawalan. "Ha?" tulalang tanong ko na napatitig dito. Yumuko ito na bumulong. "The priest is asking you. Why you're not answering?" pabulong tanong nito. Napakurap-kurap akong napabalik ang naglalakbay kong diwa sa kawalan. Napalingon ako sa pari na nasa harapan namin at napangiwi na nakamata din ito sa akin. Kitang naghihintay ng sagot ko. Pasimple ko namang kinalabit si Sir Russel. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot. Bahagya naman itong yumuko na bumulong. "Just say I do." Ani nito. Napalunok ako. Humingang malalim at parang naninikip ang dibdib ko. "I. . . I d-do." Utal kong sagot. Kita kong napabuga pa ng hangin si Sir Russel. Tumango naman ang pari na bumaling sa katabi ko at tinanong. Lihim akong napangiti na sumagot kaagad si sir at buong-buo ang boses sa pagkakasabi ng I do. Para akong malulusaw sa puso nang magpalitan na kami ng I do at nagsuot ng singsing sa isa't-isa. Napaawang pa ang labi ko na mapatitig sa isinuot niyang diamond ring sa daliri ko na napakalaki ng bato! "I now pronounce you--husband and wife. You may now kiss the bride." Saad ng pari na ikinakurap-kurap kong nilingon ito. Mahinang natawa si Sir Russel na ikinalingon ko ditong napalapat ng labi. "Ano daw? Kiss--" Nanigas ako sa kinatatayuan at namilog ang mga mata nang kay bilis itong yumuko at pinaglapat ang aming mga labi! Parang lumukso ang kaluluwa ko sa katawan ko na damang-dama ko ang mainit at malambot niyang mga labing lumapat sa labi ko! It's not my first kiss. Dahil hinahalikan naman na ako noon ni Evans. Pero smack kiss lang at madalas ay forehead kiss o cheek kiss ang namamagitan sa amin. Naiilang kasi ako na makipaghalikan katulad sa mga napapanood ko sa shortdrama series online. Iyon din marahil ang dahilan kaya pumatol sa ibang babae si Evans kahit na mahal na mahal niya ako noon. Dahil hindi ko naibibigay ang mga pangangailangan niya bilang lalake. Masyado pa akong bata nang panahong iyon. I'm only twenty. Kaya natatakot ako. Sa tuwing lumalabas kaming dalawa ay nagpapaalam kami sa mga magulang ko. Hindi rin siya natutulog sa bahay dahil conservative ang mga magulang ko pagdating sa akin. "Let's go, wife. The car is waiting," ani nito na ikinabalik ng ulirat ko! Napakurap-kurap pa ako na napatitig ditong nakalahad ang kamay sa akin. Kanina pa pala tapos ang seremonya ng kasal namin pero heto at natutulala pa rin ako dahil sa kanyang paghalik sa akin. Napalunok ako na kabadong inabot ang kamay nito. Inakay naman niya ako palabas ng simbahan. Nagtataka lang ako. Sobrang private naman yata ng kasal namin. Ultimo kasi mga magulang o kaibigan niya ay wala dito. May photographer naman kami na siyang kumuha ng mga litrato namin habang ikinakasal. Nandidito din si attorney--yong lalakeng nagpunta noong nakaraan sa bahay at kumausap sa amin. Pero maliban sa mga ito at mga bodyguard nitong nandidito sa labas ng cathedral, wala na kaming ibang kasama dito. Napanguso ako na sa ibang sasakyan na ulit kami sumakay. Isang black BMW ang sinakyan namin. Sinenyasan naman nito ang driver na marahang tumango sa kanya. Napalunok ako. Hindi pa kasi nito binibitawan ang kamay ko. Alam ko namang sa kanya na ako tutuloy pagkatapos ng kasal namin. Nakalagay iyon sa kondisyon nila. Gano'n pa man ay kabado pa rin ako. Sa labas lang ng bintana ako nakaharap. Pinagsasawa ang paningin ko sa mga nadaraanan naming nagtataasang mga building dito sa syudad. Hanggang sa napansin kong palayo na kami nang palayo. Kaya hindi ko na napigilang nilingon ito para magtanong. Pero paglingon ko sa kanya--natutulog na pala ito. Kaya naman pala tahimik din siya. Dahil natutulog na siya. Napalunok ako na mapatitig sa kanyang mukha. Ngayon ko lang kasi siya matitigan ng sobrang lapit. Hindi ko kasi matagalang makipagtitigan sa kanya. Kaya hindi ko natititigang maigi ang mukha nito. Lihim akong napangiti sa isipan. Napaka-flawless kasi ng balat nito sa mukha. Dinaig pa ang mukha ko. Makinis at maputi din naman ang mukha ko. Pero kumpara dito ay mas makinis siya at mukhang ang lambot ng balat niya. Natural ding makapal ang mga kilay nitong itim na itim at pilikmatang mahaba at malalantik na bumagay sa kanya. Matangos na ang ilong ko pero--di hamak na mas matangos at pointed ang ilong nito. May kanipisan din ang kanyang mga labi na mamula-mula at ang kintab na tila ang sarap hagkan! Wala sa sariling napalunok ako na mapatitig sa kissable lips nito at naiisip ang pagdampi nito kanina sa mga labi ko! Hindi ko na matandaan kung ilang seconds na dumampi iyon sa aking mga labi pero sa isipan ko ay sobrang tagal! Para akong naka-stuck sa moment na 'yon kanina sa aming dalawa sa simbahan! Ni wala na akong naisaulo sa mga kaganapan. Kung paano kami nagpalitan ng vow at nangako sa isa't-isa. "Ay--butiki!" Tili ko na biglang magpreno ang driver at napasubsob ako kay Sir Russel na dumampi ang labi ko--sa kanyang mga labi! Namimilog ang mga mata ko na hindi kaagad nakakilos! Gumalaw naman ang talukap ng mga mata nito na dahan-dahang nagdilat na halos ikaluwa ng mga mata ko! Napabawi ako dito na tumuwid ng upo! Ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko lalo na't napalingon ito sa akin. Pinaningkitan ko ang driver namin na nagawa pang mapasipol at pangiti-ngiti! Parang sinadya niyang magpreno kaya napahalik tuloy ako kay Sir Russel na hindi ko sinasadya! "Ahem!" Napatikhim si sir na inabot ang bottled water at napainom. Napalunok naman ako na pinanatiling sa labas ng bintana nakamata. Napailing pa ito na napahaplos sa ibabang labi na lalong ikinainit ng mukha ko habang tinitigan ang repleksyon niya sa bintanang kaharap ko! "Nandito na po tayo, ma'am, sir." Magalang saad ng driver. Saka ko lang napansin kung nasaan na kami. Nangunotnoo ako. Napagala ng paningin sa paligid. Wala na kasing kabahayan dito. Kitang malayo din ito sa main road kaya ang tahimik ng lugar. Malaki ang bungalow house at napakaganda nito. "Let's go," untag sa akin ni Sir Russel. Napasunod naman ako dito. Inalalayan niya pa ang ulo ko sa pagbaba ko ng kotse para hindi mauntog ang ulo ko na lihim kong ikinangiti. "Sa'yo ba 'to, Si--uhm. . . " Napakamot ako sa ulo na napangiwi sa kanya. Naalala ko kasing sinabi niya kanina sa simbahan na hwag na raw akong mag po at sir sa kanya. Nakamata naman ito sa akin na nagtatanong ang mga mata. Hindi naman siya mukhang masungit pero hindi kasi siya palangiti. Mahirap din basahin ang tumatakbo sa isipan niya na blangko ang expression ng kanyang mga mata. "Yes?" untag nito. Alanganin akong ngumiti dito na nilabanan ang kaba ko. "Uhmm--ano nga palang itatawag ko sa'yo?" nahihiya kong tanong. Gumalaw naman ang sulok ng kanyang itaas na labi. Napapikit pa ito saglit na napailing. Nakatayo naman ako sa harapan niya. Nakatingala sa kanya at sobrang tangkad niya. Kahit naka-wedge ako ay hanggang dibdib niya lang ako. Kaya para akong batang nakatingala sa kanya ngayong nakatayo kaming dalawa. Naglahad ito ng kamay na ikinasunod ko ng tingin doon. Naipilig ko pa ang ulo ko na inabot iyon. Marahan nitong pinisil ang palad ko na ikinasinghap kong bumilis ang t***k ng puso! Napaangat ako ng tingin sa kanyang mukha na nagtatanong ang mga mata ko. "I'm Russel Smith. You can call me by my name or anything that you're comfortable except sir. I don't accept that. Asawa na kita kaya hwag mo na akong tawaging sir. I know you're too young for me. Pero hwag ka na ring mag-po sa akin. Is that clear?" wika nito na bakas ang kaseryosohan habang matiim na nakatitig sa akin ang mga mata nito. Nag-iinit ang mukha ko na pilit ngumiti dito at marahang tumango. "O-okay, R-russel." Nahihiya kong sagot. Binitawan naman na niya ang kamay. Marahan niya pa iyong pinisil bago binitawan. Bumaling ito sa kaharap naming bahay na nagpamewang. Napasunod naman ako ng tingin sa tinitignan nito. "This is our home. From now on, you'll live here with me. Hindi naman ako palaging nandidito sa bahay. Kaya madalas ay mga katulong ang kasama mo dito. No worries, mababait naman ang mga makakasama mo dito. You don't have to work. I'll give you money and everything you need. Just say it. Dito ka lang sa bahay. Hindi mo kailangang magtrabaho dito. Kapag nandidito ako, pwede mo akong pagsilbihan kung gusto mo. Pero kung ayaw mo ay okay lang din naman at may mga katulong tayo dito. Ang bahay na 'to ay pagmamay-ari mo na rin. Kaya feel at home at hwag kang mailang sa mga tao dito. Naiintindihan mo ba?" wika nito. Malinaw naman ang mga sinabi niya. Kaya lang ay parang walang nag-sink-in sa utak ko sa kanyang mga sinabi. Tanging ang malinaw lang sa akin--dito kami titira at hindi niya ako gagawing alipin niya. Nilingon niya ako nang hindi ako nakaimik. Nagsalubong bahagya ang makapal at itim niyang mga kilay na napatitig sa akin. "Is everything okay?" tanong nito. "Ha--oo naman." Sagot ko na ikinanguso nitong matiim pa ring nakatitig sa akin. "Ayaw mo ba dito? Kung gusto mo, pwede tayong lumipat sa condo ko sa Syudad. Wala namang problema sa akin," wika pa nito. Ngumiti ako at marahang umiling. Ayoko namang may masabi siya sa akin. Napakaganda ng bahay namin. Hindi ako titipirin dito ng pagkain. Makakapag pahinga ako nang maayos. At walang aabuso sa akin dito. Para akong nakawala sa isang kulungan kung saan alipin ako. Kaya magrereklamo pa ba ako? "Hindi. Gusto ko dito, Russel. Maganda ang lugar. Tahimik, malamig at sariwa ang hangin. Nakaka-relax nga ng katawan at isipan e. Salamat." Tugon ko. Pinapakibot-kibot naman nito ang ngusong nakatulis. Tila binabasa ang tumatakbo sa isipan ko sa uri ng tingin nito. "Sigurado ka?" paniniguro pa niyang tanong. Tumango-tango ako na ngumiti dito. Sumagi naman sa isipan ko ang mommy na unti-unting ikinapalis ng ngiti ko. "Why? What's wrong?" tanong nito na napaseryoso. Nahihiya man ay lakas loob akong nakiusap dito. Hindi ko kasi maatim na hindi masilip silip ang mommy sa hospital. "Uhm, Russel. Pwede bang makiusap?" paninimula ko. Tumango naman ito. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. Pilit pinapatatag ang loob ko kahit para na akong matutumba sa pangangatog ng mga tuhod ko. "Uhm, baka pwedeng dalaw dalawin ko ang mommy kong nasa hospital? Ako lang kasi ang nag-aalaga sa kanya. Wala namang pakialam si tita at pinsan ko kay mommy e. Tanging mga nurse lang ang umaasikaso sa mommy. Mommy ko 'yon, Russel. Hindi kaya ng kunsensiya ko na hindi siya maalagaan ngayong kailangang kailangan niya ako. Comatose kasi ang mommy ko sa hospital. Wala kaming kamag-anak dito kaya walang ibang dadalaw sa kanya doon." Pagtatapat ko. Napalapat ako ng labi na nangilid ang luha ko. Napalunok naman ito na nag-iwas ng tingin sa mga mata kong naluluha at nangungusap na nakatitig sa kanya. Nagpamewang ito na sa ibang direction nakamata. "Please? Sana maintindihan mo ako. Hindi ako lalayo. Sa loob lang ako ng hospital para maasikaso at masamahan ang mommy ko. Malaking bagay sa akin iyon, Russel. Pakiusap," pakiusap ko pa dito. Napahinga siya ng malalim. Malamlam ang mga matang bumaling sa akin na ikinalunok ko. Abot langit ang kaba ko na mapatitig sa mga mata nito. "Isang oras ang aabutin ng byahe mo pababa ng syudad. Okay lang ba 'yon sa'yo?" tanong nito na napakaseryoso. Tumango-tango kaagad ako. "Oo naman! Basta mapuntahan ko lang ang mommy!" masiglang sagot ko. "Sige. I'll just talk to Manong Jackson na lang. Para siya ang personal mong driver at bodyguard mo na rin kapag pupuntahan mo ang mommy mo. Wala namang kaso sa akin kung gusto mong pangalagaan ang mommy mo. Ina mo 'yon. Hindi ko iyon ipagkakait sa'yo. Ang mahalaga naman ay kasal na tayo. Higit sa lahat. . . ?" ani nito na napapisil sa baba ko at bahagyang yumuko na pinagpantay ang aming mukha! "Hwag na hwag kang manlalalake. Is that clear?" "Hindi! Hindi ko naman iyon magagawa sa'yo. Pangako!" bulalas ko. Napapikit naman ito. Gumapang ang init sa mukha ko na natalsikan siya ng laway ko. Ang lapit kasi ng mukha nito at napalakas ang pagsasalita ko dala ng kabiglaan sa kanyang huling tinuran. "Pasensiya na," nahihiyang paumanhin ko na pinahid ang pisngi nitong may talsik ng laway ko. Napailing itong tumuwid na nang tayo. Nahihiya ako sa kanya na natalsikan pa siya ng laway ko. "Let's go inside. Marami pa tayong dapat pag-usapan tungkol sa sikretong pagpapakasal natin--Hannah." Napapilig ako ng ulo na napasunod sa kanyang pumasok na ng bahay. "Hannah? Kilala niya ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD