Nagtagal ang titig ko sa mensahe na mula sa kasambahay namin.
From: Ate Debs
Mam hindi po kau uuwi? nad2 po si sir.
It's been three years since the last time I visited our house. Noong panahon na buhay pa si Mama. Up until now hindi pa rin ako makapaniwala na wala siya. Iniiwasan ko na magpunta sa bahay dahil nalulunod lamang ako sa mga alaala.
Hindi ko nagawa na makapag-reply sa kaniya. Marami na siyang mensahe sa akin, tinatanong kung kailan ako uuwi pero ni isa ay wala akong sinagot.
Napatingin ako sa date na naka-display sa cellphone ko. Today is October 29—the death anniversary of my mother.
Sinubukan ko na kalimutan, pero hindi ko magawa. I witnessed how my mother suffered when she was still alive. Hiniwalayan niya si Papa simula nang masaktan ako nito pero walang araw na hindi ko naramdaman na gusto pa rin niya ito na bumalik. Nang mga araw na malapit na siyang bawian ng buhay, nagmakaawa siya sa akin na pabalikin si Papa—hiling ni Mama na hindi ko yata gawin.
Lalong dumoble ang galit ko kay Papa dahil noong mga panahon na iyon ay wala siyang nagawa. Nagawa lang nitong magpakita sa araw ng libing ni Mama.
I hate him… the reason why I hate men… I don't believe in love.
Para sa nakararami, ang ending ng dalawang taong nagmamahalan ay ang pagpapakasal. Sinasabi nila na 'happy ending' na nila iyon. Subalit, hindi sukatan ang kasal para masabi na totoong pagmamahal na iyon. Dahil kung totoo, bakit may mga tao na hindi masaya? Bakit may tao na nasasaktan kahit nangako na sa harapan ng Diyos? If they can defy God, what more to their partners?
I was studying Hospitality Management, with no specific direction. Wala rin akong natatanggap mula kay Papa. Ang tanging bumubuhay sa akin ay ang mga investments, at savings ni Mama.
“This won't do,” bulong ko habang nakatingin sa pancake na ginawa ko.
Malamang ay tatawanan ako ni William kapag nakita niya ito. Sasabihin na naman noon ay HM student ako pero simpleng pancake ay hindi ko magawa ng maayos.
Kinuhanan ko ng litrato ng mga sunod na pancake na ginawa ko. Ipinadala ko iyon kay William.
From: William
Mag-shift ka na lang, teh. Hindi naman malalason ang inaanak ko diyan?
To: William
Edible pa naman.
Nagpunta ako sa camera. Kinuhanan ko ang sarili ng larawan habang kinakain ang sunod na pancake. Hindi naman siya sunod na sunog. Sayang naman kung itatapon ko.
Pinindot ko na lang ang notification na lumabas sa screen ko. Sinend ko agad ang picture ko.
From: Unknown
What are you eating? Bakit kulay itim?
My eyes widened in a fraction when I read the reply. Naitakip ko ang palad sa bibig sa sobrang pagkabigla. Nabitawan ko rin ang kinakain na sunod na pancake.
To: Unknown
Wrong send
From: Unknown
Really? Para kanino? Sa isang tatay na sinasabi mo? I doubt it.
Nawalan na ako bigla ng gana na kumain. Saka bakit ko ba pinagtatyagaan ito? Hindi ito healthy para kay baby.
Pinalitan ko na rin ang contact name niya. I changed it to 'Feeling Daddy'. Natawa ako sa sarili kong gawa. Hindi naman siya feeling daddy, dahil siya naman talaga ang tatay pero kahit sa sarili ko ay hindi ko matanggap.
To: Feeling Daddy
i don't care
From: Feeling Daddy
Stop eating those weird-looking foods. Padadalhan na lang kita. Tatanungin ko na lang si William sa address mo.
Namilog muli ang mata ko. Hindi ako magkanda ugaga na i-message si William para sabihin na huwag sabihin sa pinsan nito kung saan ako nakatira pero ang bakla—sinabi na naibigay na raw niya.
Napalabi ako. Una 'yong number ko, ngayon naman ay iyong address ko? Feeling ko exposed na exposed na ako. This is not what I wanted.
But still, I waited for the food to come. Ano kaya iyong ipinadala niya? Nawalan na ako ng gana sa pancake na ginaw ako. Usually, hindi ako nag-aalmusal pero tulad ng sinabi ni doc, parte ang pagiging gutumin kapag buntis.
Ayaw ko na padalhan niya pero nang may kumatok ay mabilis pa ako sa alas kwatro na tumayo. Nagmamadali akong buksan ang pinto sa pag-aakala na delivery guy iyon pero si Marco ang bumungad sa akin. Nabura ang ngiti ko.
Halata na galing ito mula sa office niya. His hard chest is visible in his black turned-down collar polo shirt tucked in his black slacks. He is also wearing specs with a silver frame. His hair looks like it had its time dancing with the wind outside because it looks a bit messy but it is goodly messy.
Nahigit ko ang hininga ko. Why am I acting like a thirsty bítch?
“Delivery for Miss Tamara?” nakangiting tanong niya. Itinaas niya pa ang paper bag na hawak.
“Thanks,” masungit ko na sagot. Kinuha ko ang paper bag mula sa kaniya, ipinaubaya naman niya sa akin. “I told you, hindi mo kailangan na gawin ito. Whether you are the father or not, I am not forcing you into this situation.”
This time, his smile faded.
“Alam ko na hindi mo ako pinipilit. You are actually bluntly shoving me away. Pero para sa iyong kaalaman, ginagawa ko ito para sa bata. Pwede nang hindi ako ang ama pero pwede rin na ako. I don't want to risk the possibility that I am the father, that is why I am doing this.”
Naubusan ako ng sasabihin. Nalunod ako sa mga mata niya at kung paanong mas marami pa itong sinabi kaysa sa mismong bibig niya. There are too many emotions that I cannot pinpoint.
“Alam mo na kahit ano man ang kalabasan, desisyon ko pa rin ang mananaig. Who do you think you are?” malamig kong wika sa kaniya.
Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya. Bahagya akong napaatras nang lumapit siya sa akin. He is towering over me. Ang isa nitong kamay ay humawak sa hamba ng pintuan ko. He looked down on me. Tiningala ko naman siya.
“Kung ano man ang rason mo, wala akong pakialam. We will co-parent if necessary. Also, what's the problem with you? You are acting as if I am asking you to marry me or fall in love with me.”
Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa klase ng pagsasalita niya. Ramdam ko ang init at mabangong hininga niya na pumapaypay sa mukha ko. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ay napapikit na ako para damhin pa iyon.
Lalong nagwala ang buong sistema ko nang yumuko pa siya. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang magsalita siya malapit sa tenga ko.
“Do you understand me, hmm?”
Gamit ang natitirang katinuan sa katawan ko ay itinulak ko siya palayo. Kumunot ang noo ko at gigil ko siyang tinignan.
“Go away!” I said before slamming the door in front of him.
Hinihingal akong napasandal sa pintuan. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil lang sa pagtawid nito ang distansiya sa pagitan namin. I could feel my whole body tingling with a familiar sensation.
Mariin akong napapikit. It's been weeks since the last time I had séxual intercourse with someone and now I could feel my whole body burning with desire… with the man earlier.
Padabog ako nagpunta sa kusina. Inabala ko ang sarili sa pagkain na dinala niya—prutas at vegetable salad na naman para makalimutan ang init na nararamdaman.
I searched it on the internet and I found out that being needy during pregnancy is normal.
Sumapit ang aking ika-pitong linggo ng pagbubuntis. Napapansin na ng mga kaklase ko ang kaunting pagtaba ko, at sa totoo lang ay nakaramdam ako ng kaunting insecurity para sa katawan.
Walang nagsasabi pero ang pangit na bigla ng tingin ko sa sarili. Lahat na lang kasi kinatatamaran ko. Hindi ko na maayos ang aking skincare routine dahil nabo-bore ako. Hindi na rin ako makapunta sa aking mga appointment dahil nga nag-iipon ako.
I am a basic bítch now.
“Tamara, sama ka? Bar later?” aya ni Sam.
Nahinto ako sa pag-aayos ng gamit. Ilang linggo pa lang simula ng nalaman ko na buntis ako ay parang ang dami ko na na-miss na gawin.
I smiled forcedly at her. “I can't, may ibang agenda ako, eh.”
She pursed her glossy lips. “Ganoon ba? Sige, next time na lang.”
Huminga ako ng malalim nang makaalis na siya. Sa bahay na naman ako after nito.
Naglakad na ako palabas nang gate pero nahinto nang makita kung sino ang nasa waiting shed sa may tapat. Wala sa sarili akong umirap sa hangin nang makita na may dala pa siyang bulaklak at chocolate na nasa hugis puso na lalagyan.
Hindi pa ako napapansin ni Oliver dahil nakatutok ito sa phone niya.
“Hey,”
Gulat na napalingon ako sa malalim na boses. Nilingon ko iyon at nakita na naroon si Marco. Nakasandal siya sa hood ng kotse niya. Nakasuot din siya ng itim na shades ngayon na nakadagdag ng tindig niya bilang lalaki.
Sandali akong lumingon kay Oliver na nasa waiting shed pa rin. Sakto naman na nagawi rito ang tingin niya. Nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo para lapitan ako.
“Oh, no,” bulong ko. Dahil sa kagustuhan na hindi niya ako malapitan ay nagpunta ako sa side ng kotse ni Marco. “Open the door, bilis!” utos ko sa kaniya.
May pinindot siya kaya nag-unlock ang car door niya. Agad-agad akong pumasok. Mabilis din na kumilos si Marco at pumasok. Mabuti na lang din ay maraming dumadaan na sasakyan kaya hindi agad nakatawid si Oliver pero nakita ko ang pagtataka at sakit sa mukha niya dahil sa ginawa kong pagpasok sa kotse ng ibang lalaki.
“Sino iyon? Manliligaw mo?”
“Eww, no!”
Bahagya siyang natawa sa naging reaksiyon ko. Humalukipkip ako habang pinanood siyang paandarin ang kotse paalis sa lugar na iyon.
Walang nagsasalita sa amin pero nagtaka na ako na hindi papunta sa condominium kung saan ako nakatira ang tinatahak ng kotse niya.
Nilingon ko siya. “Ibaba mo na lang ako sa tabi kung hindi ka dadaan sa condo ko.”
Seryoso at diretso ang tingin niya sa harap. Naalala ko bigla ang post ng babae, ganitong-ganito ang itsura niya roon.
“We will see the doctor. Pwede na mag-paternity test, remember?” Masyado siyang kalmado habang sinasabi iyon.
“And I did not agree with this. Stop the car now.”
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Dahil sa suot nita na shade ay hindi ko makita ang mata niya pero ramdam ko na sa oras alisin niya iyon ay magmumukhang nagbubuga siya ng apoy.
“No, unless aminin mo kung sino ang ama. Hindi natin gagawin ito para sa ikatatahimik ng utak ko, kailangan nating gawin ito para may panghahawakan ako mula sa 'yo.”
Kung makapagsalita siya ay parang alam na talaga nito sa sarili niya na siya ang ama, na wala ng importansiya kung magpa-paternity o DNA test kami. He is overly confident that he is the father. Now, I am confused about his intentions.
“Then fine! Yes, you are the father. Ano naman ngayon?”
He laughed sarcastically. “Ano naman ngayon? How can you ask that question? To remind you, this is not about you. This is about the growing fetus inside you. Don't act selfishly.”
Every word cut like blades. Mariin ang bawat salita, ang bawat tanong, at ang katotohanan sa mg sinabi niya.
Selfish na ba kung iniisip ko lang ang magiging kapakanan namin na mag-ina? I have seen from my parents the worst that can happen in a family.
Hindi ko siya kilala bukod sa pangalan niya, how could I trust him? Dalawa lang ang pwedeng mangyari—magiging mabuti siya sa anak ko o magiging dahilan siya ng paghihirap nito. Alin man sa dalawa, ayaw kong sumugal.
Tears suddenly fell down my eyes. Inalis ko ang tingin sa kaniya at dumungaw na lang sa labas ng bintana. Tahimik na tumutulo ang luha sa mata ko dahil tama naman siya, may karapatan siya sa bata pero natatakot lang ako.
“Dàmn,” rinig kong bulong niya. Nagtaka ako nang ihinto kabigin nito ang manibela para magbago ng lane. “I am sorry for making you cry. I am bringing you home now.”
The softness in his voice somehow made a huge difference. It is soothing despite the roughness and deepness in it.