“Paano kung dalhin na lang natin siya Manila? Malalaman pa ba noong matandang babae? Kukuhanan lang natin siya ng dugo tapos ay babali—” Mabilis kong inilingan ang nais ni William. As much as I want to know the truth, we cannot just do that. Bukod sa ayaw kong makasuha, respeto na lang din sa tumatayong guardian ni Coco. Kung gusto talaga namin siyang dalhin sa Manila, kailangan namin magpaalam ng maayos. “Kailangan natin na magpaalam. Hindi basta-basta ang gagawin natin.” He rolled his eyes at me. “Eh, paano nga? Kung siya nga si Marco, malamang hindi papayag ‘yong matanda sa DNA test. Masama talaga kutob ko sa matandang ‘yon. Ano? Sasabihin mo gagala lang tayo sa Manila, uuwi rin?” Natigilan ako sa sinabi niya. There are a lot of alternative ways to get the DNA, like a strand of hair

