The meeting with his mother went fine. Sobrang bait ng mama niya, kulang na lang ay pagsilihan na niya ako. Nahihiya nga ako dahil ako na lang yata ang nakikita niya sa dami ng tao sa bahay. She always knows what I need without me telling her. “Are you having fun?” tanong ni Marco. Pagtapos niyang ipakilala ako sa mga kamag-anak niya ay dinala na niya ako sa kwarto na inihanda ng mama niya para sa akin. Tumango habang may mumunting ngiti sa labi. “Yes. Ang sweet ng mama mo.” I am curious about his father but I chose not to ask about him. Kung komportable siya na sabihin ay hihintayin ko na lang ‘yon. Sa ngayon ay natutuwa ako sa mama niya. Hindi man niya kamukha ang mama niya ay namana naman nito ang pagiging maasikaso. Kanina punong-puno ang puso ko habang pinanood na inaasikaso niy

