Nagising ako dahil sa sakit ng buong katawan. Sinubukan ko na gumalaw pero lahat ng parte ng katawan ko ay kumikirot. I moaned when I felt my insides throbbing with pain. Shít!
“Are you okay?” tanong ng lalaki sa mababang boses.
Hindi na ako nagulat sa lalaking kasama. I was sober when we did it the second, third, and fourth time. Nakatulog na ako noong unang beses pero madaling araw na nang maramdaman ko na humahalik-halik ulit siya sa akin, kaya ang ending may nangyari na naman sa amin at sunod-sunod iyon.
Tinignan ko ang lalaki na bagong labas ng cr. May nakapalupot na maliit na twalya sa bewang niya. I rolled my eyes, the monster was behind that small towel.
“Oo,” maikli kong sagot.
Kahit sobrang sakit ng katawan ko ay pinilit ko na tumayo. Iniyakap ko ang kumot sa katawan ko bago kunin ang mga gamit ko sa side table. But to my surprise, sira ang dress ko!
Gulantang ko siyang tinignan. Inosente naman siyang tumingin sa akin pabalik.
“Hindi ka man lang nagdahan-dahan!” hindi ko mapigilan ang inis ko. Ang mahal-mahal nitong dress ko, regalo pa ni Mommy galing ibang bansa!
“I did! Sinabi ko pa nga na baka dumugo pero ikaw itong hindi makap—”
“I am talking about my dress, idiot!” I was fuming mad.
I am okay with casual sèx but ruining my dress is another talk!
Umangat ang isa nitong kilay. Wala pa rin siyang suot bukod sa towel. Tumutulo mula sa buhok hanggang sa katawan niya ang butil ng tubig. Napalunok ako nang mahuli ko ang sarili na sinusundan ang patak pababa.
Get a grip, Tamara!
“Don't call me that. About your dress—I will pay you, buy fifty of those if you want.”
Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Hindi niya man lang naisip na wala akong isusuot pauwi? Napansin niya na nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalagay ito ng lotion sa buong katawan.
Why the hell he is using someone's lotion? Alam ba ni William na may lalaking naligo at gumagamit ng mga kagamitan niya?
“What? Gusto mo ba isang daan na ganiyan?”
Muntik ko nang matampal ang noo ko. Idiot!
Hinanap ko na lang ang purse ko para matawagan si William. Nang mahanap iyon ay nangalaiti ako sa galit dahil five percent na lang. Wala pa naman akong dalang charger!
“May charger ako diyan, sa may side table.”
Hindi ko siya pinansin. I dialed William's number, ilang ring na pero hindi pa rin sumasagot. Panglimang tawag ko na yata nang sagutin niya na.
[“Mara, bakit?”] Halata sa boses niya na bagong gising ito. Nakonsensiya naman ako bigla.
“Nandito pa rin ako sa dulong kwarto. Can you lend me a shirt and shorts? Or anything you can lend me.” Sinadya ko na hinaan ang boses ko pero dahil sobrang tahimik ng kwarto ay alam kong na narinig niya pa rin 'yon.
[“Why? What happened? Nakipag-séx ka?”]
Mariin akong napapikit. Alangan naman na itanggi ko pa?
“So, ano? Papahiramin mo ako o hindi?”
Natawa siya sa kabilang linya. [“Okay, babangon na ako. Istorbo si bakla!”]
“I have shirts that I can lend you,” bigla nitong sabi.
Nilingon ko siya at nakita na nakabihis na ng pambahay. White shirt at black shorts. Tinutuyo na lang nito ang buhok gamit ang maliit na towel.
Tipid ko siyang nginitian habang pigil na pigil ang pagtataray. “No, thank you.”
Shit! Gusto ko na umuwi at magpahinga. Bakit ba ako pumayag at mahulog sa mga halik niya? Mabuti na lang at magaling siya dahil kung hindi, sayang lang ang damit na nasira niya.
Naupo ako sa gilid ng kama at hinintay na may kumatok. While the man I am with starts cleaning up the room. May kinuha pa siya na vacuum sa loob ng isang kabinet at nagsimula na i-vacuum ang sahig. Nangunot ang noo ko sa kaniya.
Naiirita rin ako sa ingay ng paggamit niya ng ganoon.
“Can you please stop? Hindi mo kailangan maglinis, umalis ka na lang.”
Huminto nga siya pero may pagtataka sa mukha niya. “Ako? Pinapaalis mo?”
“Yes, ako na lang ang magsasabi kay William na umalis ka na. And you don't need to clean, may tagalinis sila.”
Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok na at bumukas ng pinto. Dirediretso si William na pumasok, hindi pansin ang lalaki na nakatayo sa gilid ng kwarto na may hawak na vacuum cleaner.
“Ito na madam,” antok na wika niya. “Pahatid ka na lang kay Kuya Kiko kapag uuwi ka na.”
Nagulat ako nang bigla itong tumili. Akala ko ay aalis na siya pagkabigay pero nakatingin na siya ngayon sa lalaki.
“Marco? Oh, my gosh! Kailan ka pa umuwi?!”
Parang nakalimutan na niya ako dahil naglakad na siya palapit sa lalaking tinawag niya na Marco. So, ang talimpadas na lalaki ay basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ng hindi man lang nagpapaalam sa may-ari.
Umirap ako sa hangin bago naglakad papunta sa banyo. Ramdam ko pa rin ang bawat kirot sa katawan ko.
“Kagabi lang, Liam. You were busy chatting with your friends, I didn't bother since I was tired from my flight.”
“Oh, really? How's Tita Margaret?”
Hindi ko na alam ang susunod na pinag-usapan nila dahil tuluyan na akong pumasok sa banyo. Hindi ko pa alam saan ilalagay ang kumot pero iniwan ko na lang sa gilid. Nakahiwalay naman ang shower room kaya hindi ito mababasa.
I took my time cleaning my body. Nang matapos na ako sa pagligo ay isinuot ko ang ibinigay ni William. Napasimangot ako dahil ang laki ng mga iyon sa akin, maging ang short ay hindi kasya—buti na lang ay may tali kaya nasikipan ko pa rin kahit papaano.
“You two should explain to me what happened! You two just had sèx!” Iyan ang bumungad sa akin paglabas.
And now, William made everything so awkward. Tinignan si Marco na umiiling-iling lamang.
“William, ipahatid mo na siya pauwi.” Walang gana na sabi ni Marco.
I agreed with him. Buti naman ay may nasabi na siyang tama.
Pula pa rin ang buong mukha ni William na tila hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung ano pa rin ang namamagitan sa kanila at mukhang close na close sila. Gusto ko na lang ay umuwi at makapagpahinga.
Nauna na akong lumabas ng kwarto.
“Ako na pala maghahatid sa 'yo,” wika ni William.
I rolled my eyes. Obviously, he wants me to tell him the whole story of what happened between me and that guy. I don't mind telling it in a detailed description, but the heck? What if they are blood-related?
“Akala ko si Kuya Kiko?”
“Busy, kaya ako na.”
Nang makasakay na kaming dalawa sa kotse niya ay sunod-sunod ang naging tanong niya. Sa sobrang dami noon ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
“Kasalanan mo naman ang lahat! Kwarto niya pala iyon pero doon mo ako pinatulog.” I said while gritting my teeth.
Natawa siya. “Sister, hindi ko alam na ngayon pala uuwi ang pinsan ko. E, kwarto niya talaga iyan. Naku, favorite 'yan nina Daddy, siya pa yata ang anak kaysa sa akin.”
Inirapan ko na lang siya. Nang makarating sa condo unit namin ni Hency ay dumiretso agad ako para matulog ulit. Ang plano ko ay mag-aral pagtapos kong pumarty pero pagod na pagod ang katawan ko.
“Puno ka ng pasa,” inosenteng puna sa akin ni Hency.
Napatingin ako sa tuhod, legs, at braso ko. Pinamulahan ako ng mukha dahil tandang-tanda ko pa kung paano ko ito nakuha.
“Malapit na ako reglahin kaya ganiyan.”
Kinagabihan ay saka lamang ako nagsimula na mag-aral. Nakakainis pa dahil ang kulit-kulit ni Oliver. He kept on calling and texting me, I didn't have a choice but to block his number.
Hindi ako natulog sa gabi na iyon para mag-review. Sanay ako sa puyatan kaya hindi naman ako nahirapan na kontrolin ang antok ko nang nasa school na. What is more challenging is that Oliver did not try to back down. Sunod ito nang sunod sa akin na parang tuta.
“What's wrong with you? Can't you see that we're over?” naiirita kong tanong sa kaniya.
Nandito na kami ngayon sa bakanteng school gymnasium. Halos magpakaawa at lumuhod na siya sa harap ko para tanggapin ko siya ulit. But I don't do boys on repeat.
It makes me sick every time I remember that he actually felt something from me. Sa lahat pa naman ay siya ang inaasahan na hindi mahuhulog sa akin dahil na rin marami na rin akong nabalitaan na iniwan at pinaluha niya.
“I did not realize that I am falling, but if you don't want it, I will control my—”
“Come on, stop it. I don't want you anymore. Just find another girl to fuçk.”
And for the nth time, I turned my back on him. Ni katiting na awa ay wala akong maramdaman na awa sa kaniya. I let myself believe that I am their karma.
Three weeks had passed after the midterm exam, and I never felt more tired today in my entire existence.
“Dahan-dahan naman, hindi ko naman aagawin ang pagkain mo,” natatawang sita sa akin ni William.
“Hindi ako nakapag-lunch kanina dahil ang haba ng pila sa canteen.”
“Mag-pack ka na lang kasi ng lunch mo.”
“Katamad!”
Nang maubos ko na ang pagkain ko ay napako ang tingin ko sa manok an kinakain ni William. Suddenly, his food looks ten times tastier than mine. Napansin niya ang titig ko sa pagkain niya kaya in-offer niya sa akin pero tinanggihan ko.
I watched him as he ate the chicken. Hindi ko alam pero nasa-satisfy ako sa paraan ng pagkain niya ng fried chicken. Natawa ito nang napalunok din ako kasabay ng laglunok niya.
“Sister, sabihin mo lang kung gutom ka pa, ipang-o-order naman kita.”
“Busog na ako, gusto lang kita panoorin na kumain,” mataray kong sagot sa kaniya.
Inihatid niya ulit ako pauwi. Nang maabutan na nasa labas na naman si Oliver ay nagpasama ako kay William na ihatid ako sa loob. In fairness, nakakatakot magalit si William.
“Tamara, may extra napkin ka pa ba? Hindi ako nakabili kahapon.”
Tamad na tamad akong bumangon sa pagkakahiga para iabot sa kaniya ang napkin ko na buong-buo pa dahil wala pa akong nagagamit.
Nangunot ang noo ni Hency. “Hindi ka pa nireregla?” tanong niya.
“Hindi pa nga,” wala sa sarili kong sagot. Nakatuon lamang ang atensiyon ko sa pinanonood na funny video sa internet.
“Regular ka naman, at lagi kang nauuna sa akin.”
Natigilan ako bigla. Nagkatitigan kami at parang may sariling buhay ang mga mata dahil parehong nag-uusap.
“Hindi kaya buntis ka?” alanganin nitong tanong.
I laughed loudly. “Syempre hindi! I am always safe when—” I remember not using protection with that guy. “s**t!”
“Hindi nakapagsuot si Oliver?” kuryoso nitong tanong.
She knows what relationship I have with Oliver. Minsan na rin niya kasing naitanong kung ano ba kami ni Oliver. I told her that he was my f**k buddy, as straight as a ruler.
Natataranta na ako at nagawa niya pa na isingit ang lalaking iyon. “It's not, Oliver!”
Hinanap ko ang phone ko para matawagan si William, he can help me with this. I need him to help me know what I am supposed to do.
“Kung hindi si Oliver, sino?”
Tuluyan na akong naiyak nang hindi sumagot si William sa tawag ko. Agad akong inalo ni Hency.
“Hindi pa tayo sigurado. Wait me here, ako na ang bibili ng pregnancy test kit.”
Naiwan akong mag-isa sa condo nang umalis si Hency. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak lalo na tuwing naaalala ko na naging matakaw ako, lagi akong inaantok, at lalo akong sensitive sa mga bagay. Kahit nga nakakita lang ako ng aso sa kalsada ay gusto ko na umiyak.
Nang nakabalik si Hency ay tinulungan niya ako na mag-test. We were nervously waiting and I almost passed out when it came out positive.
“Oh, my gosh. What should I do?” iyak ko sa kaniya. “Hindi pa ako handa!”
Niyakap niya ako habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa kaniya.
“You should tell your baby's daddy.”
Umuling ako. “Ayaw ko, I don't like him. I will raise this child alone,” mabilis kong pagdedesisyon.
Bakas sa mukha nito ang pagtutol sa plano ko. Madaling araw nang tawagan ako ni William. Marami raw kasi itong ginawa kaya hindi nasagot ang tawag ko.
On the phone, I told him that I was pregnant but I did not say who the father was. Madaling araw din nang pumunta siya sa condo para makausap ako ng maayos.
“Anak 'yan ng pinsan ko, hindi ba? Unless, you had sexúal contact with another guy after him or before him,” paghihinala niya na hindi ko sinagot. “You should tell him. I know Marco, he will not run away from responsibilities.”
“No, I can do it alone. I don't need the help of him, William. Please, don't tell anyone.”
Noong una at tutol pa siya sa plano ko pero napapayag ko na rin. Sinamahan niya ako sa unang consultation ko sa OB, at inakala na siya ang ama kaya naman todo tanggi siya.
“Your pregnancy is sensitive because you are in your first trimester. I suggest that you keep yourself healthy and stress-free. You can also expect morning sickness, as well as cravings when you reach six weeks or less.”
May mga sinabi rin siyang mga vitamins na binili agad ni William. Pagod na pagod ako nang makabalik sa condo. Nagulat pa ako dahil nag-iimpake si Hency.
“Saan ka pupunta?” takang tanong.
“Biglaan, pinauuwi ako nina Mama. Namatay kasi 'yong Tito ko kaya baka roon na muna ako ng isang buwan.”
“Ganoon ba? Mag-iingat ka.”
Nang maiwan na ako mag-isa ay pakiramdam ko ay ako na ang pinaka-lonely sa buong mundo. Naghanda na lang ako ng makakain, pero healthy. Hindi ko na pinansin ang mga de lata sa cabinet dahil alam ko na makakasama iyon sa akin.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I feel connected with the fetus inside me. It gives me comfort knowing that there is a human being growing inside me.
Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Nasabi na rin ng doctor na parte ng pagbubuntis ang pagiging emosiyonal ko.
Kinabukasan ay nagugutom ako pero wala akong healthy na makain. I am craving for an apple. Nilabanan ko ang katamaran ko at pinilit na magpunta sa grocery store para mamili ng stock.
As I was pushing the cart to the meat section, I noticed a familiar man checking the meat.
Agad-agad akong lumiko para hindi magtama ang landas namin dalawa pero may lahing enkanto yata ang isang ito dahil napansin niya agad ako.
“Tamara?”
Nahinto ako sa paglalakad. Humarap ako kay Marco na ngayon ay may ngiti na sa labi niya. Hindi ko alam pero mas naging extra gwapo siya sa paningin ko. Nag-glow-up ba siya?
Natulala ako sa mukha niya. I suddenly felt happy looking at him now. I think the baby knows who is his/her father, but I am sorry, hanggang dito na lang ang magiging interaksiyon namin.
“Mag-isa ka lang?”
“Oo,” nahihiya kong sagot.
Really?! Bakit ako nahihiya sa lalaking 'to?!
“Ah, I see. You are living independently?”
“Ahm… yes?”
Napansin ko ang babae na kumapit sa braso niya. The girl is morena and pretty. Mas matangkad sa akin at kung titignan ay para siyang beauty queen. She is wearing a crop top paired with her mini skirt.
Bigla akong na-conscious sa itsura ko. T-shirt na malaki at leggings ang suot ko.
Biglang sumama ang pakiramdam ko habang nakatingin sa dalawa. Halatang-halata naman na may namamagitan sa kanila, kaya bakit pa ako makikigulo? Lalong hindi ko kayang aminin sa kaniya na may anak kami na pareho.
I just hope that he met the girl after me.
“Who's she, babe?” mataray na tanong ng babae. Her eyebrow shot up at me.
Kung hindi lang ako buntis ay baka natarayan ko na rin ang isang 'to. Ayaw ko naman paglabas ng anak ko ay makuha niya ang ugali ko.
“Ah… my friend. Kaibigan din ni William.”
“Una na ako.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng sino sa kanila, inatras ko ang cart ko.
I can't believe I am getting emotional with that encounter. Parang binibiyak ang puso ko sa sobrang lungkot. Obviously, my baby's daddy is not yet ready to be a father. Kahit naman ako hindi ready, pero ayaw ko pa rin sabihin dahil sa takot na itanggi niya ang anak ko.
Tears flowed down my eyes. I am in the dairy products section when my tummy starts aching. Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan ng cart pero hindi ko nabalanse ang katawan ko. Natapon ang iilang gatas sa shelve.
I cried in pain, but my eyes widened when I saw blood running down my inner thighs. At huling alaala ko ay may mga tao na nagpa-panic sa paligid. Kung ano-anong boses ang narinig ko bago ako tuluyan na mawalan ng malay.