Kabanata 22

2192 Words

Panay ang tingin ko kay Marco na kung anu-ano ang ginawa. Nasa sala ako nanunuod ng TV pero siya ay kung ano-ano ang kinakalikot sa kusina. Wala raw siyang pasok ngayon dahil day-off niya. Every now and then there's someone calling his phone. “Ah, yes, pakiiwan na lang diyan kay manong guard. Kukunin ko rin mamaya, kuya. Salamat.” Ano naman kaya iyon? Pangatlong beses na siyang may sinabihan sa tawag na ipaiwan na lang kay manong guard ang kung ano man. Mabilis pa sa alas kwatro akong umiwas ng tingin sa kaniya nang tignan niya ako. I heard him chuckle before proceeding to whatever he was doing in the kitchen. “Here, fresh fruit.” Inilahad niya sa akin ang bowl ng mga hiniwang prutas. “May kukunin lang ako sa ibaba, babalik din ako.” Kahit huwag ka ng bumalik, sabi ko sa utak ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD