Kabanata 17

2307 Words

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako mapakali habang hinihintay si Marco. Ngayon ay gusto kong kainin lahat ng sinabi ko sa tawag at sa naging sagot ko sa tanong niya. What is happening to me? Kung ano man ang mayroon sa pamilya na mayroon siya, labas na ako roon. Halos panawan ako ng ulirat nang marinig ang pamilyar na tunog kapag may nagbubukas ng pinto ko. Dahil ayaw kong makita siya ngayong gabi ay nagtalukbong na ako ng kumot at pumikit para matulog. Ilang sandali pa ay narinig ko na siyang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Wala akong balak na tumayo para pagbuksan siya pero laking gulat ko na bumukas ang pinto. Ang tanga! Hindi ko pala na-i-lock kaninang lumabas ako! Pero kahit na ganoon ay ginampanan ko pa rin ang role ko, nagtulog-tulugan ako. “Alam ko gising ka.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD