Kabanata 14

2168 Words
I woke up feeling sore but fulfilled. Hindi pa agad ako tumayo dahil parang ilog na rumaragasa ang nangyari kagabi. It was intense, hot, and wild. I can't believe that I came so many times. Maybe because that was my first after many months of not having séx. Hindi pa agad ako tumayo. Tinitigan ko ang kisame, pinakikiramdaman ang sarili. What happened between me and Marco was pure lust. Pareho kaming may pangangailangan. Should I talk to him about it? Speaking of the devil, the door swung open. Nagpakita ang isang Marco na walang pang-itaas, tanging grey sweatpant lamang. Mula rito ay kitang-kita ko ang nakabukol sa gitna ng hita niya. Sobrang gulo rin ng buhok niya—dahil sa ilang oras na tulog o dahil sa pagsabunot ko sa kaniya. “Bangon na, nagluto ako ng almusal.” Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako. Nahirapan pa ako na bumangon dahil sa sakit ng nasa gitna ko pero pinilit ko. Ginusto ko naman. Nakita ko ang pagmamadali ni Marco na lapitan ako, agad kong iwinasiwas ang kamay ko para pigilan siya. “Kaya ko,” dismissing him. Kaso may lahing kakulitan ang isang ito dahil kahit na sinabi kong kaya ko ay hinawakan niya pa rin ang bewang ko para tulungan sa paglalakad. “Sabi ko kaya ko,” masungit kong wika sa kaniya. “Paniniwalaan kita kung hindi nalulukot ang mukha mo tuwing hahakbang ka. I am sorry if I was a bit rough last night, sabik lang.” Rough? Sa aming dalawa ay siya pa itong todo ang pagpipigil. Hindi ko makakalimutan na nagmamakaawa ako sa kaniya. Kung hindi lang ako buntis ay baka nagmakaawa pa ako na gawin niya lahat ng gusto niyang gawin. Parang ako pa nga ang gumapang sa kaniya. Well, we both have no problems with it. 21st century na, dapat normalize na ang mga babae ay hindi nahihiya sa bagay na gusto nila. Walang mangyayari kung ipipirmi ko lang ang bibig ko kahit na mamamatay na ako sa init ng katawan. Hanggang sa lamesa ay nakaalalay siya. Tulad ng madalas niyang gawin, ipinanghila niya ako ng upuan. Hindi na rin niya hinintay na sumandok ako ng sarili kong pagkain dahil naunahan na niya ako. “Kumusta pakiramdam mo? Was our baby okay?” “The baby is fine,” tipid kong sagot bago nagsimulang kumain. Namayani ang katahimikan. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong condo. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya ay nararamdaman ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. I don't know what should I feel. Something happened between us and I am confused. Ayaw ko na isipin niya na mayroon ng namamagitan sa amin dahil lang may nangyari sa amin. I want to clarify it to him but I don't want to make it look like I am defensive over that. He is a well-known playboy. Mula sa mga kwento ni William, laking ibang bansa si Marco. He met more liberated women than I am. Baka nga kuko lang ako ng mga babae na nadadala niya sa kama. Bilang babae, lalo na at buntis, ayaw ko naman na may nangyayari sa amin habang may nangyayari rin sa kaniya at ibang babae. “A penny for your thoughts?” tanong niya. “Pag-usapan natin ang tungkol sa atin. When I say, 'atin' I don't mean it romantically. I mean it in…” Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa seryosong titig niya, halata na nakikinig talaga siya sa akin. “In 'sexúal' way?” pagtutuloy niya sa akin. Dahan-dahan akong tumango. “Yes, ganoon na nga. Kailangan natin na pag-usapan iyon. We both know that is the need of our body. Wala na akong active séx life simula ng mabuntis ako kaya, I crave it every now and then. Ikaw naman, babaero ka kaya panigurado na hindi ka mabubuhay na walang ginagalaw gabi-gabi.” Walang preno, at walang hiya-hiya na sinabi ko ang lahat ng iyon. Sarkastiko siyang tumawa habang umiiling. “Anong gabi-gabi? For your information, Tamara, hindi ako nakikipag-séx sa kung sino-sino lang. It is either they are my girlfriend or f**k buddy.” Inubos ko na muna ang kinakain sa bibig ko at uminom ng tubig. I showed him my surprised expression from what he just said. Kumunot ang noo niya na tila naaasar na. “So, may girlfriend ka bago pa may mangari sa atin? Iyong kasama mo sa grocery noon?” It is already shocking that he had girlfriends. Akala ko he f**k and then leave. Iyon naman ang nakikita kong aura sa kaniya. Mukha man siyang good boy pero behind that look, he is ruthless in bed. Ilan kayang babae ang nagmamakaawa sa kaniya na makasama ulit siya sa kama? Tulad ko, natatapos din ba sila ng ilang beses tuwing may nangyayari sa kanila? What the hell? Why am I getting curious about that? “Hindi ko siya girlfriend. Kapatid siya ng kaibigan ko at nagpatulong lang na maglipat ng gamit sa bagong apartment niya. She's like a little sister to me.” Little sister pero ang laki ng boobs at butt. If I know, iniisip niya kung paano niya ipagkakasya sa mga kamay niya iyon. He is for sure lusting over that girl. “Bakit hindi mo i-try? Mukha naman na gusto ka noong babae. Sa tingin niya pa lang sa 'yo ay ready na siya na bumuka sa—” “Tamara, it is not nice to assume negative things with other people. Kung ano man ang nasabi ni William sa 'yo tungkol sa akin, matagal na iyon, college days ko pa. I am a changed person now.” Umangat ang isang kilay ko sa kaniya dahil hindi ako naniniwala sa kaniya. Naalala ko na naman iyong video na nakita ko. After work siguro ay maraming nag-aaya sa kaniya na pumunta sila ng club. Syempre gabi iyon kaya maraming magaganda at sexy na babae na itatapon ang sarili nila sa kaniya. Kumpas lang yata ng daliri ay maraming babae na ang lalapit sa kaniya. “Talaga? You can live for a week without séx?” Bago ako sagutin ay nilagyan niya ako ng panibagong sandok na kanin at ulam. Sumimangot ako dahil busog na ako. “Sabihin mo lang kung curious ka sa séx life ko, Tamara. Anong klase ng kwento ba ang gusto mo? Detailed o suspense?” Doon ako natahimik. Umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Totoo naman, why am I getting curious about that? May nangyari lang sa amin at gusto ko na agad malaman ang mga bagay-bagay na iyon? Shít. “Anyways, iyong sinasabi ko kanina. Since we are living in this small condo, ng tayong dalawa lang, inevitably, we sometimes feel the séxual tension between us. Lalo na sa akin, mahirap pigilan dahil buntis ako. So, why don't we have a setup, na kapag pareho tayong nangangailangan, we will have each other.” Sinuri ko ang expression niya. I wanted to slam his face when a smirk showed up on his lips. Sumandal siya sa sandalan ng upuan niya habang may nakakalokong ngiti sa akin. “Kung ayaw mo, edi huwag!” He burst into laughter. “Of course gusto ko, gustong-gusto ko. Hindi mo na kailangan sabihin na dahil buntis ka, papatulan kita kahit na hindi buntis. Just look at you, may tatanggi ba sa 'yo? You're hot and sexy.” Napalunok ako ng mariin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka uminom ng tubig. Hindi ko na nagalaw ang bagong pagkain na ibinigay niya dahil sa usapan namin pero mas lalong hindi ko na makakain dahil nabusog na ako lalo sa tubig. “So, ano na? Kailangan may rules tayo. I will go first. Una, kung may girlfriend ka, huwag na natin simulan ito.” Proud siyang umiling. “I don't have a girlfriend.” Tumikhim ako at inirapan siya. “Pangalawa, if you have a f**k bu—” “Kasasabi ko lang, I don't have either of the two. I am very much single right now,” putol na naman niya sa sinasabi ko. “Pangatlo, bawal ka na munang makipag-one night stand habang may nangyayari sa 'tin. Kahit kami na lang ni baby ang isipin mo, huwag mo kaming bigyan ng sakit.” Kumunot na naman ang noo niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa upuan. “Okay, ano pa?” “Pang-apat, dapat tayong dalawa ang mag-consent kung gusto natin na may mangyari sa pagitan natin. Bawal natin pilitin ang isa't isa.” He nodded. “Medyo lugi ako, but fine.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Paano ka naging lugi?” “Kasi anytime na mag-aaya ka, papayag agad ako, walang ligoy-ligoy akong maghuhubad. Paano naman kung ako ang may gusto tapos galit ka sa akin? Malamang hindi mo 'ko pagbibigyan. Hindi ba?” Tignan mo itong lalaki na ito. Seryoso ako rito pero kung anu-anong senaryo ang naiisip niya. “Gamitin mo kamay mo.” Humalakhak siya sa naging sagot ko kaya inirapan ko na naman siya. “And lastly but most importantly, bawal kang mahulog sa akin. Bawal tayong mahulog sa isa't isa. Kapag may nahulog man na isa sa atin, in instant, ititigil na natin kung ano ang mayroon sa atin.” Biglang nabura ang ngiti sa labi niya. Marahan ang naging tingin niya bago tumango bilang pagsang-ayon. “Ikaw, wala kang gusto na sabihin?” mahinang tanong ko sa kaniya. “Nothing. Just always be with me.” Hanggang sa matapos kaming kumain ay iniisip ko pa rin ang huling sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin niya roon. Was it to be with him because of our unborn child? Malamang! Kasasabi ko lang bawal kami mahulog sa isa't isa kaya bakit naman niya ako pananatilihin sa piling niya ng walang dahilan. I should blame it on my pregnant brain. Simula ng mabuntis ako ay kung ano-ano na ang iniisip ko. Nanatili ako sa sofa habang siya ay pumasok sa kwarto ko para maligo sa banyo. Nakita ko siya sa peripheral view ko na nagsusuot ng belt. Mula rito ay naaamoy ko na naman ang matamis na amoy dahil ginamit na naman niya ang body wash ko. Sa susunod ay sisingilin ko na siya para sa grocery. Nagtitipid na rin ako para sa panganganak ko at mga kailangan ng magiging anak ko. “Uuwi ako ng maaga mamaya,” biglang sabi niya. “Okay,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. “Huwag mong buksan ang pinto para sa kung sino-sino. I-reheat mo na lang din ang niluto ko kanina para sa lunch mo.” Tumango ako. “Hmm,” “And reply or answer my call as soon as possible, don't make me worry.” Doon na ako humarap sa kaniya. Maayos na ang itsura niya. Black long-sleeve polo na nakatupi hanggang sa siko niya at naka-tuck in itim niyang slacks. His hard chest is evident in his black polo, as well as his legs, they look firm. Napansin ko rin ang kumikinang niyang silver watch sa kaliwang kamay, halatang mamahalin iyon. “Bakit ka naman tatawag? Nasa trabaho ka tapos tatawagan mo 'ko?” Lumapit siya sa akin, agad kong nahigit ang hininga ko. My body instantly reacted to his close presence and smell. Kinuha niya ang messenger bag niya sa tabi ko. “Para sigurado ako na okay ka lang. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari. I'll get going, take care.” Pinanood ko siya na umalis. Normal lang naman na mag-alala siya sa kalagayan ko dahil sa bata. Ang hindi normal ay ang tíbok ng puso ko. Naglinis na lang ako ng buong condo. Halos wala na akong malinis dahil panigurado ay nagawa na iyon ni Marco. Wala ring marumi na mga pinggan at baso. Ang ending, ang nilinis ko ay ang kwarto ko, ayon, doon ako nakatuklas ng maraming kalat. Nang mapagod ay kumain ng lunch saka umidlip. Paggising ko ay hapon na. Tinignan ko ang phone ko, walang missed call. Kumunot ang noo ko. Sabi niya tatawag siya? May masabi lang talaga ang lalaking iyon, eh. Kinalimutan ko na iyon dahil ayaw ko rin naman na tumawag siya. Inalala ko na maagang uuwi si Marco. Pumunta ako sa kusina para tignan kung ano ang pwedeng mailuto. Hindi na ako magluluto ng mahirap. Mag-air fry na lang ako ng nuggets. Iyon din kasi ang gusto kong kainin. Natapos na ako nagsaing at nagluto. Nakaayos na rin sa lamesa ang lahat. Nakaligo na rin ako pero wala pa rin si Marco. Tinignan ko ang oras. Mag-a-alas otso na. Should I call him? Hindi. Hindi ko siya tatawagin. Kung hindi naman pala siya uuwi ng maaga, sana ay hindi na siya nagsinungaling sa akin. Ano naman ang pakialam ko kung lagi siyang late umuwi? Ang akin lang ay dapat hindi siya nagsabi siya na hindi uuwi ng maaga. Dahil nawalan ako ng gana kumain ay hinayaan ko na lang sa lamesa ang niluto ko. Padabog akong pumasok sa kwarto para matulog. Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD