Kinabukasan ay maaga ang pasok niya, marami silang kailangan asikasuhin ni Bianca para sa event para bukas. Ngayon ang din ang araw ng alis ni Damien papuntang Singapore. Nang may biglang pumasok na gwapong lalaki. Namumukhaan niya ito. Ito ang pinsan ni Damien na si Allen Jade Montemayor. "Hi. I am looking for Damien, is he here?" Seryosong tanong nito. Napamaang siya sa kagwapuhan nito. "I am sorry sir, but he's not here. He just flew to Singapore for 3 days" Agad naman itong tumango at nagpasalamat bago umalis. Nang mapansin ang malungkot na itsura ni Bianca. "Uy girl, may problema ka?" Taas kilay na tanong niya rito. Agad naman itong umiling. "Wala" Nagkibit balikat nalang siya. Buong araw silang busy ni Bianca at halos hindi na naguusap. Pagkauwi sa bahay ay pagod na pagod siy

