Damien's Side (by third person's point of view) "Hoy bata! Bakit ba ang sungit-sungit mo?" Kita niya ang inis sa mukha ng batang babaeng anak ng kaibigan ng mommy niya. Tinitigan niya lang ito pero hindi pinansin at pinagpatuloy ang paglalaro ng PSP. Pero nagulat siya nang biglang agawin ng batang babae ang nilalaro niya at itinago sa likod nito. "What are you doing? Give it back to me!" Inis na sigaw niya rito. "Why you are sungit ba? Tayo nalang ang mag-play, nakakainip dito sa house niyo" nakakunot ang noong sabi nito at pinagkrus pa ang magkabilang mga braso. "I don't like to play with you! Give me back my toy!" At pilit na kinukuha ang laruan dito pero pilit nito iyong itinatago. "No! Just play with me!" Sigaw nito. Sa kakapilit niya para makuha ang psp niya ay aksiden

