Ilang linggo pa ang mabilis na lumipas at malaki na ang pagbabago sa kan'ya. Mapapadalas ang kain niya nang mga kung anu-anong weird na pagkain. Nagsimula na siyang kabahan. May munting ideya na pumapasok sa isip niya pero ayaw niya itong paniwalaan. Impossibleng mangyari iyon. Iisang beses lang iyon nangyari. "Anak, sabihin mo nga sa akin buntis ka ba?" Biglang tanong ng mommy niya habang kumakain siya ng strawberry jam sandwich with mayonnaise. Agad naman nanlaki ang mga mata niya. "Ano ka ba My, hindi po. Paano naman mangyayari iyon e wala naman akong boyfriend" Kinakabahang sagot niya. Agad naman umupo ang mommy niya sa tabi niya. "Anak, hindi mo ako maloloko. Isa akong ina at alam ko ang itsura ng babaeng nagdadalang-tao" Seryosong sabi nito sa kan'ya. Agad niyang nabitawan an

