SAMANTALA, hinubad ni Sabel ang suot nitong pang-waitress uniform dahil, may suot itong kulay itim na damit panloob at pasimpleng niliko ang bandang madilim na parte ng mansion. Inilagay nito sa likuran ang 45 calibre at may pag-iingat na itutulak na sana ang pintuan ngunit, kusa iyong bumukas bagay na ikinakubli niya nang mabilis mula sa parte ng madilim dahil, lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaki. Sinundan iyon ni Sabel ng tingin at sinipat ang lalaki upang kilalanin iyon. Ganun na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makilala ang bulto ng lalaki. “Sh*t! No! Anong ginagawa ng lalaking 'to rito!” Nagsusumigaw ang loob niyang sambit sa sarili. Dumaloy sa kaugatan niya ang kakaibang tensyon at kaba dahil, sa nakita. “Hey, Sab! Are you still there? Mag-ingat ka sa ik

