Sa kabilang ibayo kaagad dinala ni Mang Canor si Gal kasama nito si Freya na bakas sa mukha ang pag-alala. Dali-daling nagpalit ng damit si Freya ng malamang dadalhin si Gal sa manggagamot. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin ng makita niya ang paghihirap kanina ni Gal, alam niya masakit ang mga natamo nitong mga pasa at sugat. Naupo siya sa upuang kawayan at isang pagbuntong hininga ang pinakawalan niya saka nito naikagat ang ibabang labi. Ewan, pero napaparanoid na siya. Nag-aalala para kay Gal. ''Ayos na siya, iha. Salamat sa tulong mo.'' Boses ni Mang Canor mula sa nakabukas na pintong gawa sa kawayan. Mula sa pagkaupo ay tumayo si Freya at sumilay ang tuwa sa mukha. ''M-mabuti naman ho.'' natutuwa at nakangiti niyang sambit. Kalaunan ay lumabas mula sa loob ng bahay ang isang ma

