“I HAVE TO GO. The office needs me.” Halos wala pang isang oras na naroon si Benjamin sa piling niya, pero kaagad na itong tinawagan sa opisina. Kaagad namang itinigil ni Soledad ang kaniyang maiinit na halik sa gobernador nang marinig niya ang mga salitang iyon. Dismayado siyang tumayo mula sa kandungan ni Benjamin. Lito siya sa unang magiging reaksyon sa lalaki: kung magagalit ba siya at magkukunwaring nagtatampo para manatili ang gobernador o hahayaan na lang si Benjamin na umalis. Alam naman kasi niyang hindi siya hahayaang magtampo ni Benjamin pero may kaunti pa naman siyang delikadesa sa katawan kahit pa sabihing may nararamdaman siya para rito. “Kailangan mo ba talagang umalis kaagad?” Hindi niya matiis ang sariling maglambing sa gobernador habang inaayos nito ang sarili sa harap

