SUMASAYAW ang kurtina na gawa sa manipis na seda kasabay ng maaliwalas na hanging pumapasok sa bintana ng kuwarto kung saan naroroon si Soledad. Alas nuwebe na ng umaga nang siya ay magising. Kung hindi pa tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw, hindi siya maalimpungatan. Iyon yata ang unang pagkakataon na nakatulog siya nang maayos pagkatapos ng lahat ng problemang too kinaharap niya. Ibinaling niya ang sarili sa kanang bahagi ng kama at idinantay doon ang braso. Inaasahan niyang mararamdaman niya ang dibdib ni Benjamin dahil sa pagkakaalam niya ay magkatabi silang matulog. Pero walang nakapa ang kamay niya kundi ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Nang umulat niya ang kaniyang mga mata ay wala roon ang lalaki. Doon pa lamang siya nagising. Tanging kumot na lang pala ang bumabalo

