SIMPLE lang naman ang pangarap ni Soledad para sa kaniyang Lola, iyon ay ang mabigyan ito ng kumportableng pamumuhay. Iyon bang wala nang gaanong iisipin ang matanda. Pero hindi niya inakala na sa isang iglap ay muntik nang bawiin sa kaniya ang pinakamamahal niyang lola na nag-aruga sa kaniya simula pa nang pagkabata. Wala nang pagpipilian pa si Soledad noong mga oras na iyon. Kaysa sisihin ang sarili sa muntik nang kapahamakan ng kaniyang lola, kinailangan niyang gumawa ng paraan para rito. Hindi siya makapapayag na basta na lang bawiin sa kaniya ang nag-iisang taong halos isakripisyo na ang lahat para lang mabuhay siya. Masungit ang panahon pero nagawa pa rin niyang makipagsapalaran sa napakalakas na ulan para lang makita at makausap ang importanteng tao na nag-offer sa kaniya ng trabah

