Chapter 54

1101 Words

“SUMAMA po kayo sa akin. Dadalhin ko kayo roon.” Walang ideya si Soledad kung saan siya dadalhin ni Ruben. Isang araw pa lang silang magkakilala pero parang ang gaan na ng loob niya sa binata. Magkaganoon man, nagdadalawang-isip pa rin siya kung papayag siya sa alok nito. Hindi kasi niya kabisado pa ang lugar na iyon at kakikilala pa lang nila sa isa’t isa. Paano kung may masamang balak pala sa kaniya si Ruben? Subalit wala naman sa hitsura nito ang mananakit ng tao. Maamo ang mukha nito at sa tingin naman niya ay mabuting tao ang binata. Kaya tumango na lang siya at umangkas sa motor. “Siguraduhin mo lang na matatanggal ang lungkot ko. Kung ’di, lagot ka sa ’kin!” pabirong pagbabanta niya kay Rube sabay hampas sa balikat nito. Natawa na lamang ang binata bago pinaandar ang makina ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD