ADOBONG manok ang nakahain sa mesa. Iyon ang inihanda ni Tasing para sa pananghalian ni Soledad. Bagaman masarap naman ang pagkakaluto noon, hindi pa rin siya gaanong nakakain. Malalim ang iniisip niya sa mga oras na iyon. Paano'y ang araw na iyon ay ang araw na ooperahan ang kaniyang lola sa puso. Wala man lang siyang magawa sa mga oras na iyon. Hindi man lang niya magawang kausapin ang lola niya dahil hanggang sa mga oras na iyon, pinatataguan pa rin niya ang mga tao sa Sta. Cecilia. Pasalamat na lang siguro siya dahil balita ni Julieth, wala pa namang nakararating sa mga tagaroon ang lihim niyang relasyon kay Benjamin. Pangalawang subo pa lamang niya sa kinakain ay bigla na lamang siyang nakarinig ng komosyon sa labas ng bahay. Nahimigan niya ang nagtititiling si Tasing at tila ba may

