“Seat belt,” he grunted. Pinigilan ko ang pag-irap. Humalukipkip ako at tinuon ang pansin sa nakaparadang itim na Rubicon sa gilid. Bago pa mailabas ni Ilay ang kotse sa aming school ay ipinarada niya ulit. Bukod sa hindi makontrol ang aking mga pag-iyak ay napupuno na rin ito. “Ang sabi ko ay suotin mo ang seat belt.” Mas matigas ang kaniyang pananalita at halatang nagpipigil. With all the drama I could muster, I sighed. I sniffed and wiped my clogged nose. Pansamantala kong binitiwan ang hawak na bag sa mga hita para sundin ang kaniyang kagustuhan. Ilay frowned as he watched me put it on. “All set?” I crossed my arms once again, refusing to answer or even look at him. Niyakap ko na lang ang bag ko. He shook his head in annoyance and muttered a curse. Napaigtad ako sa rahas ng kaniy

