“Good morning! Gising na pala ang alaga ko! Pero...” Isang umagang pumasok ako sa kitchen ay iyon ang ibinungad ni Yaya Dina. Banjo was also there and having his morning coffee. I was still very much sleepy but I immediately went towards the window. Nang walang maabutan ay nilingon ko si Yaya Dina na lumabi sa akin. “Wala na naman si Preston.” She stated the obvious. “Morning din po...” nanlalata kong bati pabalik. Nagkatinginan sina Yaya Dina at Banjo. I didn’t mind. I just fetched my iPad on the counter to browse my social media accounts. To have something to do other than grumble. Maybe to lift up my mood that was already turning rotten from being sour for almost a week now. “Huwag kang mag-alala.

