When I woke up, I was in a familiar room. Mula sa puting-puting mga kisame at ilaw. Maging ang lamig at katahimikan. Ganitong-ganito ang itsura ng naging private room ni Ilay. “When something happens to my sister, I will kill you myself! Nakita mo ba ang ginawa mo sa kapatid ko?! Iyan ba ang gagawin ng pagmamahal mo? Ang patayin siya?! Uubusin niyo talaga ang lahi namin!” I easily recognized that voice. Walang tatapat sa kumukulog at dumadagundong nitong mga paratang. It would be no other than my eldest sister. “Please calm down, Cala–” “No, Carlo! Stay the hell back and don’t you dare touch me! Wala kang karapatan! Wala!” Kahit nahihilo pa rin ay sinubukan kong tumayo mula sa kama. Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap indahin: ang aking pumipintig na sentido o ang mga nagtatalong b

