Melik
Nakaupo ako ng sparing gym ng training Camp plano Kong magwork out, tapos na ang every day jogging routine.
May nagtapon sa harap ko ng boxing globes. Napatanga ako sa taong lumapit sa akin. Ow, it was 2nd Lt. Marco critoval. Ano na Naman ang plano ng Director ng training camp.?
"Ano yan?" tanong ko rito. Kunot ang noo.
"You want a work out, then I'll give a work out. Sige isuot mo." utos nito sa akin.
Naksuot na ito ng globs. Pinulot ko ang blobs at isinuot because the monster said so. Pag ito nag utos walang pweding sumuway. Lumapit sa akin ang isang sundalo at tinulungan akong itali ang globs.
" Good luck! Ihanda mo na ang iyong mukha Lt. Melik." natatawa panitong kantiyaw sa akin.
I smirked. Alam kasi ng lahat ng sundalong walang makakatalo kay Marco, magaling ito at under ang lahat ng sundalo sa kanya sa Camp na iyon. Ang training Camp na ito ay isa lang sa training Camp sa buong Pilipinas. Lahat ng sundalo dito ay Monster ang tawag sa kanya. Lahat ay ilag pag si Marco ang pag-usapan.
" Come on Melik make it fast.!" sabi nito. Nasaloob na ng boxing ring.
"Oo na! atat eh.!" pumasok na ako sa boxing ring.
Nang maka pasok ng handa na ito kaya naghanda na rin ako. Unang sumuntok ito gamit ang kaliwang kamao pero nailagan ko. Sa pag-ilag ko hindi ko napaghanadaan ang paparating na suntok nito sa kanang kamao.
Sa subra g lakas gumiwang ang tayo ko. Medyo nahilo ako doon ah. "Damn it.!"
Ilang minuto pa ang palitan ng suntok namin ni Marco natatamaan ko rin ito. Pareho na kaming pawisan. May magsugat na rin ito sa mukha pero kaunti lang hindi tulad ng natanggap kung sugat mula rito. Pakiramdam ko magang-maga na ang mukha ko.
Pomosisyon uli ako nang makabawe sa hingal. Dalawang mag-asawang suntok ang pinakawalan ko pero ni isa walang tumama kay Marco. Nagpakawala ito ng isang suntok. Nasangga ko iyon pero na patras parin ako sa subrang lakas. "Damn it!" Mukhang hindi na training ito ah, personalan na yata ito.
"Iyan lang ba ang kaya mo? Come on Melik give me your best.!" sabi pa nitong hinihingal.
Tssk, kung makapagsalita akala mo wala akong kwentang kalaban ah.!
"Napapansin Kong tutuhanan na iyang mga suntok mo ah." hinihingal Kong tanong. "Ano ba ang gusto Mong malaman?" sinuntok ko uli ito pero na ilagan nito.
"Now, tell me. Did you f**k her?" hingal na tanong nito. Sinuntok uli ako.
"Kung sabihing ko sayong- Ouch!" hindi ko na natapos ang sagot ko ng malakas na Naman akong sinuntok sa sikmura. Na pangewi na ako sa subrang sakit. Nagpalakpakan Naman ang ibang sundalong nanood. Damn it! May araw din kayo sa akin.
"Damn it! Girlfriend mo ba talaga siya?" tanong uli nito pero hindi parin tumitigil sa pagsuntok.
"Well, y-" sinuntok uli ako. Natabingi ang mukha ko sa pag tama ng kamao nito sa bandang panga ko. "Damn it! Marco!" tanging namura ko. Masakit na kaya ang mga suntok nito kahit may globs pa itong suot.
"Now tell me.! Damn it!" sabi uli nito.
"Paano ko Naman sasagutin iyang tanong mo kung lagi mo akong sinusuntok. Damn it!" angal ko.
"Sasamain ka talaga sa akin pag hindi mo sinabi ng totoo."
"Fine, stop. I'll tell you the truth. Damn it!"
Humento na man ito. Nakapamewang itong humarap sa akin.
Umayos rin ako ng tayo. Pinahid ko ang dugong galing sa mga sugat na humahalo sa pawis ko. Walang hiya talaga ang isang ito uhu!.
Nakamasid lang ito sa akin hinihintay ang sagot ko.
Napabuga ako ng hangin.
"Were not in relationship. We're just pretending just to make you confess what you really feels for her." sagot ko rito.
Walang imik itong tumalikod sa akin at hinubad ang suot na globs. Itinapon ang globs sa isang sundalong naroon. Maagap naman nitong sinalo. At umalis si Marco na walang paalam.
**
Lucy
Araw-araw Kong pinagluluto at pinagtitimpla ng kape si Marco. Well he did not know about it. Na ang kinakain nito ay luto ko. Araw araw din kaming magka sabay kumain ni Melik. He just staring at us with a blank expression.
One day I was shocked. habang naglilinis ako ng serving area. Huminto ito sa harapan ko.
" Can i have my breakfast?" sabi nito sa akin.
Wow, si Marco ba talaga ito? Kinakausap ako.! I cant believe it. Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Napakagat labi ako para pigilan ang nag-aampat na ngiti sa mga labi. iniwan ko ito saglit para kunin ang pagkain nito sa loob.Oh my God, si Marco kinausap ako!
Pagdating sa loob ng kusina. Nagtatatalon at nangingisay ako sa subrang tuwa. Natatawa na man akong tinitingnan ni Manang Josie. Para akong batang paslit na hindi magkamayaw sa tuwa dahil sa isang sempling regalo lamang.
Nang mahimasmasan kinuha ko ang pagkain nito at inayos ang sarili. Para naman hindi ako magmukhang OA sa harap nito. Inabot ko agad rito ang pagkain niya ng makalabas galing kusina.
"Come! I need to talk to you." aya nito sa akin at nagpatiuna na papuntang mesa na laging kinakainan nito. Kumilos naman ako para sumunod rito.Sino pa ba ako para magpakipot. Minsan lang kaya mangyayari ito. Kaya Grab the opportunity ika nga.
Umupo na ito sa upuan at inayos ang pagkain sa harapan nito. Nakatayo lang ako seyempre sa gilid nito naghihintay kung ano ang sasabihin niya.
"Sit!" utos nito sa akin itinuro pa ang upuan sa katapat nito. Kumilos na man ako para umupo. "From now on you were going to eat with me." saad nito ng hindi tumitingin.
Na pakamot na man ako ng ulo.Lukot ang mukha. Hindi ko ma gets ang gusto nitong mangyari. "Hello ! Gusto ka niyang makasabay sa pagkain araw-araw. Ay tanga! Na in love lang mahina na ang utak, Loading lang." saad ng itsoserang brain cells ko.
"Ako? Gusto mong makasabay sa pagkain?" Turo ko pa sa sarili ko. Kina klaro ko lang kong tama ba ang narinig ko o baka naman nagday dreaming na naman ako.
"Oo, sasabay ka na sa akin sa pagkain. at isa pa tigilan ninyo na ni Melik ang pagpapanggap. its not convincing." sabi pa nitong nakatingin na sa akin. hindi pa ito nag-uumpisang kumain.
"How did you Know na nagpapanggap lang kami?" takang tanong ko.
"He confess." tipid na sagot nito. "Go get your breakfast at sumabay ka sa akin. I will wait for you here." utos nito. Wow huh kung makautos akala mo pag-aari niya ako.
Tumayo na ako at kumuha ng pagkain ko. Umiinit talaga ang likod ko sa kakasunod ng tingin nito. Nang matapos bumalik ako sa mesa nito. At nag umpisa na itong kumain kaya kumain narin ako. Ito na siguro ang pinakamasarap na breakfast ko simula ng dumating ako sa Training Camp na iyon.
"Wait, you said he confesses to you? How.?" tanong ko rito.
"Just asked him." walang buhay na sagot nito. Nagpatuloy lang sa pagkain.
Napalingon ako sa may pinto ng bumukas ito. Pumasok si Melik Napalingon ito sa kinaruruonan namin ni Marco. Napakunot ang noo ko ng makita na hindi maipinta ang mukha nito. Nabalik ko ang tingin kay Marco na wala na mang pakialam sa pumasok prenti lang itong kumakain. Tsk,, Ano ang ginawa nito kay Melik.?
Nilingon ko uli si Melik na kumu kuha na ng pagkain sa serving area nang matapos lumapit ito sa kinaruruonan namin at umupo ito katabi ni Marco.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo?" turo ko pa sa mga pasa nito.
"Hindi ba sinabi sayo ng Lover boy mo?" parinig nito kay Marco. Pero wala na mang pakialam ang isa seryuso parin sa pagkain.
Napakunot ang noo ko. Pinagpalit palit ko ang tingin sa dalawa. May maga sugat din at pasa si Marco pero hindi malala ng katulad kay Melik.
Napabuntong hininga si Melik.
"Sinuntok niya ako para mapaamin." sabi nito at nag-umpisa ng kumain.
Wala akong masabi sa sinabi nito.
"Gagamotin ko ang sugat mo." tanging nasabiko nalang.
Akma akong tatayo ng ihampas ni Marco ang kamay sa mesa. Napatingin ako rito. Nagulat talaga ako sa ginawa nito.
"Umupo ka lang diyan. Don't mind Melik, malaki na yan kaya na niya ang sarili nya." sabi nito sa akin titig na titig.
Selos ba ang makikita ko sa mga mata nito?
"Tsk.. Pa iwas-iwas pa gusto rin Naman niya. So possessive Mosnter." palatak ni Melik.
Hindi na lang ako tumayo at ipinagpatuloy ang pagkain.