Lucy "Hey, ano ang mga bibilhin mo?" Nagulat ako sa tanong ni Marco at biglang na mula ang magkabilang pisngi ko ng halikan ako nito sa pisngi. Hindi kasi ako tumitinag sa kinatatayuan ko. "Mommy, na mumula ang mukha mo oh.!" puna ng anak ko sabay turo sa pisngi ko. Napahawak na man ako sa mukha ko at tumalikod sa mga ito. Damn it! Bakit may pahalik halik pang nalalaman ang isang ito. Nahuli niya kaya akong nakatitig sa kanya? Nakakainis sa harap pa ng anak ko. s**t! Ano naman ang gustong palabasin ng isang ito. Naglakad na ako palayo dito ng bigla akong tawagin nito. "Hey, baby saan ka pupunta?" habol na tanong nito sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ako sa endearment niya sa akin? Did he called me baby? Napapikit na lang ako para supilin

