Lucy
Tatlong araw ng bago makabalik sa Marco galing manila. Ang sabing babalik agad ay hindi ng yari tumagal ito ng Tatlong araw.
Habang naglilinis ako ng mesa bumukas ang pinto. Napalingon ako. Nang mapag alamang si Marco ang pumasok napatakbo ako at napayakap dito.
"Marco, I miss you." sabi ko ring naglalambitin. Mataas kasi ito kung ikukumpara mo sa akin hanggang balikat lang ako. Sa taas ba naman nitong 5"9' walang Panama ang hight Kong 5"4'. Sobra ko itong na miss. Pakiramdam ko ang Tatlong araw ay isang taon na para sa akin.
Nagsitinginan Naman ang mga sundalong naroon. Nagbulong bulongan ang mga ito.
Hindi na akon Nagulat sa ginawa nito. Kinalas niya ako at Napalingon sa pintong pinasukan nito. Pumasok doon ang napakaganda at maputing babae.
"Hey honey.. Bakit hindi mo ako hinintay?" malambing na sabi nito kay Marco. Kumapit ito agad sa braso ng lalaki. Hindi ito sumagot bagkos hinapit nito sa bewang ang babae at hinalikan sa noo. Obviously hindi ito iyong Tes na nakita ko kagabi. It was Jessa Marco's girlfriend from four years ago.
Nagulat ako at nasaktan. Nasagot na rin ang katanungan ko kagabi kung sila pa ba ni Jessa. Sila pa nga. Ma's lalong gumanda ang babae medyo maputla nga lang.
Napasunod ako ng tingin sa kanila ng lagpasan nila ako. Libo-lubong karaum ang tumutusok sa Puso ko. Wala pa rin ba akong pag-asa kay Marco. Hindi pa rin ba niya ako kayang mahalin? Hindi na siguro, mas mahal niya si Jessa matagal na sila eh. Sino namang baliw na tao ang tatagal ng ganon katagal kung hindi niya ito mahal.
Gusto Kong umiyak sa sakit na nararamdaman ko. Napakagat labi ako para supilin ang luhang namumuo sa mga mata ko.
Tiningnan ko ng husto si Marco pilit hinuhuli ang mga mata nito. Gusto Kong makita niyang nasasaktan ako. Pero hindi man lang ito nag-abalang tumingin. Malambing nitong inaasikaso si Jessa.
"Pssst.. Lucy!" mahinang tawag ni Maika. Napatingin ako rito.
"Ba...bakit?"tanong Kong hindi pinuputol ang tingin sa kanila ni Marco.
"Baka gusto mung pumasok sa loob." mahinang sabi parin nito na nasa kanila ni Marco na rin napatingin.
Ganoon din ang ibang mga sundalo palipat-lipat din ng tingin sa akin at sa gawi nila. Ang sweet nila. Natanong ko tuloy ganyan ba ka sweet si Marco sa lahat ng mga babae?
Sana hindi nalang siya ng pakita ng affection sa akin Kong sila parin Pala ni Jessa. Itsosera ka Lucy ang OA lang ikaw kaya itong habol ng habol sa kanya natural susunggaban ka niyan Seyempre. Mais na ang lumalapit sa manok tiyak tutuka iyan. Ipal na Naman nang utak.
Pero Iwan ko ba bakit hindi ko maisipang umalis. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Napatingin Naman ang mga ito sa akin.
"Kakain kayo?" tanong kong pilit hinahamig ang sarili kahit gusto na nitong magwala sa dalawa.
"Isang clubhouse at dalawang juice na lang. Thank you." sabi ni Jessa. Napalingon ako rito ng ito ang sumagot. Hindi lang Pala ito maganda kundi malambing din. Kaya ito siguro nagustuhan ni Marco.
"Okay, sige ikukuha ko kayo." sabi ko rito. Napabalik ang tingin ko kay Marco. Hindi na ito nakatingin sa akin. Nakaharap na ito kay Jessa at masuyo nitong hinawi ang buhok ng babae na tumakas sa pagkakaipit sa tenga nito. Ang isang kamay nito ay para na ring nakaakbay sa babae dahil nakapatong ito sa sandalan ng upuan. Kung umakto ito parang hindi ako naroon at si Jessa lang ang babae sa paligid nito.
Nang hindi ito lumingon binawi ko na ang tingin at naglakad patungong kusina para ipagawa ang order ng mga ito. Bago pa ako makapasok sa pinto tinapunan ko ng tingin si Maika. Bakas ang sympathy sa mga mata nito. Kibit balikat lang ako rito at pumasok ng kusina.
Tulala na Naman ako habang pinapanuod si Manang para gawin ang order nila ni Marco.
"Okay ka lang ba hija?" tanong ni Manang Josie. Napukaw nito ang attention ko, napatingin tuloy ako rito.
"Okay lang po ako Manang."walang buhay kung sagot rito.
" Sigurado ka? Sa tingin ko hindi."pang-uusisa nito.
" hummm..hindi ko po alam. Manang matagal na po ba sila ni Marco at ng Jessa? "
" Ah.. Si Director Marco at si Maam Jessa? Abay Oo. Matagal na akala nga namin magpapakasal na ang dalawang iyon kasi matagal na. Saka malapit din sa isa't isa si Marco at si General na ama ni Ma'am Jessa."
"Ah ganun buh?" laglag balikat at nalulungkot Kong sagot.
"Ah ito na ang order nila.." sabi nito Pagkatapos gawin ang clubhouse sandwich. Kinuha ko iyon at lumabas na ng kusina. Dinala ko iyon sa mesa nila Marco at umalis na ng walang imik. Nakatingin parin ako kay Marco.
"Hey.. Hell.. Hello Casiopia.!I miss you." Masayang sigaw ni Melik pagpasok ng cafeteria.
Napalingon kaming lahat dito. Inilang habang nito ang pagitan namin habang palipat lipat ito ng tingin sa akin at sa gawi nila ni Marco. Nagulat at napalaki ang mata ko ng yakapin ako at hinalikan sa pisngi sa harap ni Marco. Nag-alinlangan akong na patingin kay Marco. Nakita kung matalim nitong tiningnan si Melik. Is he jealous? Bakit pa? May Jessa naman ito sa tabi ah.
Umupo si Melik sa harap nila ni Marco at hinila rin ako paupo sa isa pang bakanting upuan. Mag kaharap tuloy kami ni Marco.
"Well Jessa, your here. Napasyal ka ata?" casual na tanong ni Melik sa babae.
Napangiti ito.
"Sinamahan ko si Marco. I really miss him Melik. Kulang ang Tatlong araw na magkasama kami sa manila." mahinhin na sabi nito.
Napatingin ako rito. Kaya Pala hindi nakabalik ng Tatlong araw magkasama pala sila ni Jessa. Napakagat labi ako para ma wala ang nagbabadyang kirot sa Puso ko.
Binalingan ko si Melik." May order ka? "tanong ko rito para hindi maging awkward ang sitwasyon. Kahit nakatingin ako kay Marco hindi naman ito napatingin sa akin.
"Oo, yes please. Casiopia. Isang sweet garlic shrimp, dalawang clubhouse at isang Black coffee na rin."
Tumayo na ako para kunin ang order nito. Nang makabalik, nilapag ko sa harap nito ang order. Aalis na sana ako ng hilahin uli ako nito paupo.
"Hey, baby. Sabayan mo akong mag meryenda." aya ni Melik sa akin.
"Hu..ah eh." nauutal Kong sagot kay Melik. Bakit ba nilalagay ako sa alanganin ng isang ito. Damn it! Melik.
"Sige na here eat this." utos nito sa akin. Inabot pa nito ang sweet garlic shirmp.
Alinlangan akong napailing dito. Hindi sa hindi ko gusto ang pagkain kung hindi allergy ako sa shrimps.
Mas lalo akong napailing ng susubuan niya ako.
"Wow, Melik your so sweet.!" bulalas Naman ni Jessa. Napalingon ako dito. "Is she your girlfriend?" tanong pa nito ulit.
"Oo." Walang ka abog-abog naman nitong sagot. Ang sarap batukan ng isang ito.
"You know, what was your name?" baling ng babae sa akin.
"Lucy." maiksi Kong sagot. Pilit akong napangiti.
"Ah, You know Lucy you look familiar. Parang nakita na kita somewhere. " sabi ni Jessa sa akin.
"Huh ah eh. Hindi ko alam. Siguro nga."
"Here Casiopia." agaw ni Melik sa attention ko. Pilit isinusubo sa akin ang shrimps.
"Huh.-" sagot ko hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naipasok nito ang shrimps sa bibig ko. Ayaw Kong mapahiya ito kaya nginuya ko nalang at nilinok.
Nakailang subo pa si Melik sa akin ng biglang nanikip ang dibdib ko. Namumula na rin ang balat ko. Bigla akong Napatayo na ikainagulat ng mga ito. Hindi ko rin tinapunan ng tingin si Marco. Mabilis akong naglakad palayo sa mga ito. Klaro na ang pamamantal ng balat ko dahil sadyang maputi ako.
" Lucy! Ano ang kinain mo?!" sigaw na tanong ni Maika. Nang mapagawi ako sa harap nito.
Mabilis akong nilapitan nito. At hinawakan.
"Maika help. Hindi ako makahinga." nahihirapan Kong sabi.
"My God ano ba kasi ang kinain mo.?" tanong uli nito.
"Shirmps." sagot ko. Napakapit ako rito bago bumagsak ang katawan ko.
Damn it! May narinig ako nagmura ng kung sino. At may bimuhat sa akin pero hindi ko na alam kung sino dahil tuluyan na akong nawalan na ako ng malay.