Chapter 1

1772 Words
‘Mateesha Lauriel's Point of View’ "Ano ba naman 'yan ang aga-aga pangit na mukha mo kaagad ang makikita ko, Mateesha!" singhal na saad ng katrabaho kong si Ashley. "Umagang umaga sira agad ang araw ko dahil sa'yo." Hay nako, Ashley, ha! Hindi naman kasalanan ni Mateesha kung malas ka lang talaga," sabat ni Angelo, ang bakla kong kaibigan. Hinawakan ko ang braso niya. "Tama na, hayaan mo na siya, Angelo, baka mas lalo lang lumala pa." Pinaikotan lang ng mata ni Angelo at Ashley ang isa't-isa. Parati na lang akong nasasabihang pangit at napagkakamalang hindi tao dahil sa itchura ko. Hindi ko nga alam kung bakit naging ganito ako eh. Hindi ko masisisi ang ibang mga tao sa pangungutya sa itchura ko dahil kahit na anong hugas ko sa mukha ko upang mawala ang mga tigyawat ko ay hindi talaga mawala-wala. Mabuti na lang talaga at nariyan ang kaibigan kong si Angelo upang ipagtanggol ako. Isa akong waitress sa isang karenderya malapit sa bayan kung saan nagtatrabaho rin ang mga magulang ko. Isang araw palang ako rito dahil tinanggal din ako sa isang trabaho ko. Parati na lang akong hindi nakakatagal sa trabaho. Limang araw siguro ang pinakamatagal akong nag-stay sa trabaho. "Mateesha," tawag sa akin ni Aling Rosa, ang may-ari ng karenderya. "Bakit po?" "Pasensya ka na, Hija, pero mas mabuti sigurong tanggalin na kita sa trabaho dahil isang araw ka pa lang ay parang marami akong costumers na nakikitang nagtatangkang pumasok pero tuwing nakikita ka hindi na lang tumutuloy," may kalungkutan ngunit dedikadong sabi niya. Parang nalaglag ang mga balikat ko dahil sa mga narinig mula sa kaniya ngunit wala naman akong magagawa kung hindi ang ngumiti at tumango-tango. Hindi ko na naman alam kung saan ako maghahanap ng trabaho nito para may maipangbaon at maibigay sa mga kapatid ko. Pakiramdam ko lahat ng enerhiya ng magandang umaga ko ay nawala. Nagpaalam nalang ako kay Angelo at Aling Rosa na uuwi na. Binigyan naman ako ni Aling Rosa ng pera, sweldo ko raw sa isang araw. Matamlay akong umuwi sa bahay. Hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam dahil sa ito na yata ang routine ko. Hindi na ako naninibago sa pagtanggal nila sa akin dahil sa mukha ko ngunit malungkot lang ako sapagkat gusto ko lang namang kumita ng pera. "Lola, bakit kaya naging ganito ang mukha ko?" hindi mapigilang hindi ko malagyan ng bitterness ang boses na tanong ko kay lola. "Parati nalang nila akong pinagtatawanan, kinukutya at minsan pa nga ay kamuntikan nang saktan dahil saksakan daw ako ng pangit." Naabutan ko siya rito sa bahay na nag-aayos ng mga gamit. Wala ang mga kapatid ko dahil may pasok sila. "Pasensya ka na at ito ang nararanasan mo, Apo, ngunit napakahiwaga ng mundo. Maraming dahilan kung bakit nagkakaganyan ka ngunit magandang paraan ito upang magkaroon ka ng isang magandang kinabukasan," nakangiting pagbibigay payo ni lola. "Bakit ano ba ang problema?" "Walang bago, 'La, natanggal na naman ako sa trabaho," sagot ko. Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tumango-tango na akala mo ay natanggap na talaga ang mga katagang sinabi niya. Tuwing magtatanong ako kung bakit ganito ang itsura ko, 'yon palagi ang sagot niya sa akin. Sa loob ng labing-walong taon kong namumuhay dito sa mundo, puro pangungutya lang ang nararanasan ko. Pangit daw ako, hindi mukhang tao, parang hindi makapaghilamos at higit sa lahat, mahirap ako. Totoo naman iyon, mahirap talaga ako. "Lola, totoo po bang hindi talaga ako ampon?" tanong ko pa. Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. "Hindi ka ampon, Mateesha, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan?" "Ako lang po kasi ang pangit sa pamilya. Si mama po maganda, si papa naman ay pogi, saka lahat ng mga kapatid ko kung hindi si papa ang kamukha ay si mama," sagot ko. Hindi ko maiwasang magtanong kung ampon ako dahil wala talaga sa lahi ng pamilya namin ang pangit, nag-iisa lang ako. Lima kaming magkapatid ako ang panganay at lahat ng mga kapatid ko naman ay lalaki. Mahirap lang kami kaya hindi rito umuuwi sina mama at papa dahil namamasukan silang kasambahay upang may maipadala sa amin ngunit kahit gano'n, hindi parin sapat ang kita nila sa pangangailangan namin kaya kailangan ko ring magtrabaho. "Balang araw, Apo, maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin. Magtiwala ka lang sa akin at sa sarili mo, magugulat ka na lang sa mga pagbabagong magaganap sa'yo," nakangiting saad niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko upang magbihis. Napagdesisyonan kong maghanap na lang ulit ng trabaho ngayong araw upang kahit papano ay baka may mahanap ako. Nagpaalam ako kay Lola na aalis ako at maghahanap ng trabaho. Sakto sa daan, nakasalubong ko ang isa kong kapatid. "Ate, saan ang punta mo? Wala kang trabaho?" tanong ni Joshua. "Wala, kakatanggal ko lang. Maghahanap na rin ako ng trabaho," pabuntong hiningang sagot ko. "Tapos na ba ang klase mo?" "Oo, Ate, sila kuya pauwi na rin. Gusto mo bang samahan na kita?" tanong nito. Umiling lang ako bilang pagtanggi. Nagbilin lang ako sa kaniya sa mga gagawin niya saka ipinagpatuloy ang paghahanap. Ilang oras na rin akong naglalakad-lakad ngunit wala pa rin akong mahanap na trabaho. Hindi naman ako pwedeng sumubok na pumasok sa kompanya dahil hindi pa naman ako nakakatungtong ng kolehiyo. "Kuya, available pa ba ang tagahugas ng pinggan ninyo?" tanong ko sa lalaking kahero rito sa karenderya. Mula ulo hanggang paa niya akong tiningnan na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. "Pasensya ka na, Hija, pero hindi na namin kailangan ng tagahugas." Pilit ko lang siyang nginitian at pinasalamatan. Nakakaramdam na ako ng gutom pero wala pa rin talaga akong nahahanap na trabaho. Hanggat hindi ako nakakahanap, hindi ako kakain dahil baka maubos ang pera ko at wala akong pamasahe. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ngunit kung hindi nakuha na nila ang hinahanap, ay hindi raw sila nagpapapasok ng pangit. Ang hirap naman talaga ng buhay lalo na kung pangit ka dahil parang hindi ka tanggap ng mga taong nasa paligid mo. Inabot na ako ng gabi sa paghahanap ngunit kahit isa talaga ay walang tumanggap sa akin. Napagdesisyonan kong umuwi na lang sa bahay. Malayo palang ako ay rinig na rinig ko na ang masayang boses ng mga kapatid ko. Nagulat ako nang makita sina mama at papa na narito may dalang pasalubong. "Mama, 'Pa!" sabik kong saad at patakbong niyakap sila. "Wala ka na naman daw bang trabaho sabi ng lola mo?" galit na tanong ni mama na ikinagulat ko. "M...ma, natanggal po kasi ako," nakayuko at utal kong sagot. Malalim na bumuntong hininga si papa. "At bakit ka naman daw tinanggal?" "Ka...kasi p..po hindi raw nila kailangan ng isang pangit na kagaya ko," garalgal ang boses kong sagot Hindi naman kasi ang mukha ang basehan ng paghahanap ng isang trabahador, eh," bigla ay sabi ni mama. Nakaramdam ako ng saya dahil akala ko ay hindi nila ako pagagalitan. "Pero kung maayos ka sanang magtrabaho, edi sana hindi ka natanggal! 'Yan kasi at tatanga-tanga ka." "Alam mo kasi, Mateesha, ang pangit-pangit mo nga naman talaga pero kung masipag ka lang at dedikado sa pagta-trabaho edi sana hindi ka natanggal," sabat naman ni papa. "Paano na ito ngayon, ha! Wala na kaming trabaho ng mama mo sino na ang magpapakain sa atin? Ang magbibigay ng baon ng mga kapatid mo?" Nagulat ako sa isiniwalat ni papa. Kasabay ko pala silang nawalan ng trabaho. Tama nga naman siya sino nga naman ang magpapakain sa amin dahil wala na silang trabaho. Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko sa sakit na naramdaman dahil sa mga sinabi ni mama sa akin. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit dahil sa mga salitang narinig ko mula sa kanila. "Ano ba, James, Maria!" pasinghal na saad ni lola. "Huwag niyo ngang pagsalitaan ng ganiyan si Mateesha! Anak niyo siya pasalamat nga kayo na sa ganiyang edad niya, may desikasyon na siyang magtrabaho at natutulungan niya kayo at ang mga kapatid niya." "Alam mo kasi, 'Ma, dapat lang na magtrabaho 'yang batang 'yan. Pasalamat na nga siya at binuhay siya namin rito sa mundo, eh," sabat naman ni papa saka tumingin sa akin. "Hoy, maghanap ka ng trabaho, ha! Hindi tayo mayaman para tumunganga ka lang." Tumango lang ako sa kanila saka kami nila tinalikuran. Yumuko na lang ako sapagkat hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman mula sa mga sinabi nila. Nilapitan ako ng mga kapatid ko saka niyakap. Sinabihan nila ako ng mga pampakalmang mga salita ngunit sinabihan ko na silang magpahinga dahil gabi na rin naman. "Lola," umiiyak kong tawag at napayakap na lang sa kaniya. Pakiramdam ko ay si lola ang safe place ko. Sa tuwing yakap ko siya, alam kong walang makakapanakit sa akin. "Apo, huwag ka nang umiyak, ha?" Saad nito. Matatapos din ang lahat ng paghihirap mo." Nagising ako na mabigat ang mga mata. Iyak na ang nakatulugan ko kagabi. Nagpaalam na lang ako kay lola na umalis dahil siya lang naman ang gising. Napagdesisyonan kong agahan pa ang pagsisimula sa paghahanap ng trabaho at hindi ako uuwi hanggat hindi ako nakakahanap. "Kuya, naghahanap pa po ba kayo ng empleyado?" tanong ko sa guard. "Nakita ko po kasi itong karatula sa labas na naghahanap daw kayo ng janitress." "Saglit lang, Miss, ha tatanongin ko lang ang manager," paalam nito. Naghintay ako ng segundo at naroon na kaagad ang pakiramdam na umaasa ngunit alam ko naman na malaki ang chansang hindi nila ako tanggapin. "Nako, Ma'am, pasensya na po at nakahanap na po pala," sabi ng guard. Nagpasalamat na lang ako at umalis. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ngunit gano'n parin, kung hindi nakakuha na o hindi naman kaya ay nakahanap na, hindi raw sila kumukuha ng pangit. Hay… Mabilis na lumipas ang mga oras. Hapon na at nalibot ko na ang buong bayan ngunit wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Naisipan ko na lang na umuwi at ipagpabukas na lang ang paghahanap ng trabaho. Akala ko ang pagkakaroon ng diploma lang ang kalaban ko sa paghahanap ng trabaho pati rin pala ang kagandahan na hindi ako nabiyayaan. Habang tinatahak ang daan pauwi, narinig ko ang mga chismis ng aming kapitbahay na maayroon daw mga estranghero na naghahanap ng mga babaeng pwede mapangasawa ng kaibigan nila. "Wanted: Ugly face, good hearted, woman," pagbasa ko roon sa karatula. "Ano kaya ang magiging trabaho ko rito? Malaki kaya ang sweldo?" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may boses lalaking nagsalita. "Yes, you might even payed a million. So, are you in?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD