Chapter 3

1730 Words
‘Mateesha Lauriel’s Point of View’ Hindi ko inaashan ang nararamdaman ko sa lalaking ito. May kung anong hindi maipaliwanag akong nararamdaman sa kaniya na para bang matagal na kaming magkakilala kahit ngayon lang kami nagkita. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito sa kaniya. Ngunit kung saka-sakaling matanggap ako rito malaking tulong ang isang milyong posibleng maging sahod ko. Hindi basta-basta ang pagpapakasal pero magiging choosy pa ba ako? "Or if you want, I will give food to your family every week to assure you that they still can eat three times a day while you're not with them," sabi pa ng lalaki. "Kulang pa ba ang sahod kung gusto mo dadagdagan ko name your price." "Sino ba ang pakakasalan ko at kailan?" desperadang tanong ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil sayang naman ang ini-offer niya sa akin. Chance ko na ito para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. "The wedding's happening in three days," sagot ng lalaki. "You'll mary Luigi Vaughn," singit naman ng lalaki sa likuran ng kausap ko. Itinuro niya naman ang lalaking kausap ko kanina. "And he's Luigi Vaughn." Hindi ko mapigilan ang aing sariling mapatitig kay Luigi sobrang pamilyar kasi ng mukha niya at hindi talaga maitatanging malakas ang dating nito at kahumahumaling. "Paano ba ang magiging set up natin?" tanong ko. Sa kontrata kasi ang nakalagay lang ay ang posibleng perang ibabayad niya, kung ano ang hinahanap niyang asawa at kung hanggang kailan lang silang pwedeng magsama. "You'll be staying with me in our house until the day our marriage is annulled," sagot ni Luigi. Napabuntong hininga na lang ako. "Kailan ako titira sa bahay niyo?" "I'll give you one day to spend the time with your family because the moment you'll enter my house, you can't be with your family until the deadline of our marriage." explain nito. "Tomorrow I'll order my driver with my friend Timothy to fetch you here at exactly 7:00 am.” Habang pauwi sa bahay ay hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga. Alam kong kailangan na kailangan ko ng pera upang maiahon sa kahirapan ang pamilya ko ngunit hindi ko naman inaasahan na aabot ako sa ganitong punto na magpapakasal para kumita. Naiisip ko pa lang na malalayo ako kay lola ay sobrang lungkot na ng pakiramdam. Alam ko at ramdam na ramdam kong hindi ako gusto ng mga magulang at mga kapatid ko at alam ko rin na ikatutuwa nilang mawala ako sa bahay ngunit nakakalungkot lang na nasanay na akong sila ang aking kasama tapos bigla na lang ako maikakasal sa taong hindi ko pa kilala. Pagod na pagod akong umuwi dala na rin siguro ng panghihinayang na wala akong trabahong nakuha kanina. Kahit na may trabaho ako na mayroong malaking sahod ay malalayo naman ako sa pamilya ko at sa minamahal kong lola. “Oh, Mateesha apo, kamusta ka naman?” bungad na tanong sa akin ng lola ko. Nagmano ako sa kaniya at pumasok sa napakaliit kong kwarto upang ayusin ang gamit na dala-dala ko kanina. Nagbihis na rin ako kaagad hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nang makauwi at makapasok sa bahay ay parang okupado pa rin ang utak ko. “May problema ka ba, apo?” tanong ni lola na kakapasok lang sa kwarto ko. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kaniya. “Nako, lola, okay lang po pasensya ka na po at hindi ako nakapagmano saiyo kanina dahil pagod lang po galing sa paghahanap ng trabaho. “ “Kamusta naman?” tanong ni lola. “Ay teka, nagugutom ka ba?” Nakatingin lang ako kay lola tulala sa kaniya habang iniisip kung papaano ko sasabihin sa kaniya ang aking trabahong nahanap. Bumuntong hininga ako nang hindi pa rin kinakalas ang pagkakayakap sa kaniya. “Huwag mong pilitin ang sarili mo na magtrabaho nang malayo sa amin kung hindi mo gusto, apo, makakakain naman tayo, eh, kasi nagtatrabaho naman sina mama at papa mo,” sabi ni lola habang hinihimas-himas ang liuran ko. Nanatili muna kami sa ganoong posisyon dahil ang gusto ko lang ay maramdaman ang yakap niya sapagkat nakakaramdam ako ng comfort sa yakap niya. Lumabas na kami upang maihanda na ang mga kakainin malapit na rin kasi ang hapunan. “Lola, mukhang masarap yata ang hapunan, ah?” nakangiting tanong ko. Nagulat kasi ako dahil adobong manok ang ulam namin. Siguro sa isang taon dalawa o tatlong beses lang kaming makakakain ng ng mga masasarap na ulam dahil kung hindi mid-year bonus nila mama at papa ay binibigay ng boss nila ang manok o baboy. “Ate, Kamusta nakahanap ka ng trabaho?” tanong ni Joshua ang bunsong kapatid ko na medyo close sa akin. Niyakap agad ako nito. “Maayos naman, ikaw bakit ngayon ka lang?” “May group project po kasi kami kaya tinapos na lang namin kaagad kanina para wala na po kaming gagawin bukas,” sagot naman nito. “Alam mo ba, ate, may mga mayayamang lalaking pumunta rito kanina naghahanap sila ng, eh, pasensya ka na po sa word pero pangit po ang hinahanap nila,” mahabang saad nito. Bigla kong naalala si Luigi at ang pagpapayag ko sa pagpapakasal sa kaniya. Siguro sina Luigi rin ang Nakita niya kanina ay sila lang naman ang mga mayayamang pumunta rito upang maghanap ng babaeng pangit. Dumating na ang hapunan at narito na rin ang iba ko pang mga kapatid. Kumakain kami ngayon habang sina mama at papa naman ay wala rito. Sobrang tahimik lang ng hapag tanging ang tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanila ang magiging trabaho ko. “Ate, bakit mukhang hindi ka mapakali?” tanong ni Joshua. Umangat ang paningin ko sa kanila at mukhang lahat sila ay napatingin din sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at binitawan ang kobyertos na hawak ko saka sila hinarap. “Nakahanap kasi ako ng trabaho, bali kasambahay sa kabilang bayan at hindi ko alam kung kailan ako makakauwi,” paunang saad ko. “Pero ang kondisyon namin ay magpapadala sila ng groceries dito sa bahay para sigurado naman na makakakain pa rin kayo kahit papaano kaya lang kailangan ko pang matapos ang kontrata namin bago ako makauwi sa inyo.” “Nako, siguradong wala pang isang oras doon uuwi ka na sa amin, ate,” tawang-tawang saad ni Julius Ikalawa sa panganay si Julius sa aming magkakapatid ngunit siya ang unang-una kong hater. “Sigurado rin ako d’yan, tol,” saad naman ni John. “Sa pangit ba naman na ‘yan ni ate mag-e-expect ka na magtatagal siya sa trabaho? Sa dalas pa lang niyang matanggal sigurado nang makikita kaagad nation siya rito bukas ng gabi.” Malakas na tumawa ang dalawa na kaagad naman silang sinuway ni lola pero hindi rin nila ito pinakinggan. Pinabayaan ko na alng silang asarin ako dahil hindi na rin naman ito bago sa amin. Nang matapos kaming kumain ay nagpresenta na akong magligpit ng pinagkainan at maghugas nito. Pumasok kaagad ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Inuna ko nang iempake ang mga damit ko saka ko sinunod ang mga unan at kumot. “Apo, desidido ka na ba sa pamamasukan bilang kasambahay?” tanong ni lola na kakpasok lang sa kwarto ko. Nginitian ko siya. “Opo, lola. Hindi lang naman po ito para sa akin para rin po ito sa atin.” “Mag-iingat ka doon, Mateesha, ha kapag minaltrato ka nila huwag na huwag kang magdadalawang isip na umuwi kaagad,” bilin nito. Nginitian ko si lola at niyakap. Pagkatapos no’n ay nagpaalam na rin siya na matutulog na. Sobrang nagging mahaba ang aking araw kaya hindi na ako nagkaroon pa ng ibang isipin at nakatulog na lang. Kinaumagahan siniguro ko munang nakapagluto ako ng agahan at nalinis ko ang buong bahay bago ako umalis. Nag-iwan lang ako ng sulat pamamaalam para naman malaman ni lola na aalis na ako. Maaga kasi siyang gumayak para magtinda ng mga kakanin sa palengke. Dumiretso na ako sa lugar na sinabi ni Luigi kung saan doon ay susunduin ako ng driver at kaibigan niyan. Saktong pagkarating ko roon ay Nakita ko kaagad ang magarang kotse kung saan nakatayo si Timothy na mukhang hinihintay na yata ako. “What’s that?” taking tanong niya habang tinitingnan ang mga dala ko. “Gamit ko, hindi ba obvious?” mataray na sagot ko. Minsan hindi ko rin mapigilan ang sarili kong magtaray lalo na kapag nagtatanong sila ng obvious naman ang sagot. “Okay, chill but for your information, Miss, you don’t need pillow and blanket,” saad nito. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “As what Luigi said bring only the stuffs that you need and he got you.” Ipinaiwan niya sa akin ang unan at kumot na dala ko kumontra pa ako ngunit wala rin naman akong nagawa. Sumakay na kami sa napakagarang kotse at sa kalagitnaan ng byahe ay hindi ko napigilan ang sariling makatulog. Sobrang komportable kasi sa loob ng kotse, malambot ang upuan malawak ang espasyo at masarap ang aircon dahil tamang-tama lang ang lamig. Naramdaman ko ang pagtata[ik ng kung sino sa aking balikat. Nang idinilat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang mukha ni Timothy. “Gising na prinsesa, nandito na tayo sa bahay ni Luigi,” saad niya. “Your future hubby is waiting for you we already put your things to your room.” Lumabas na ako ng kotse at nagulat ako nang makita ang bahay ni Luigi. Isang malaking mansiyon na itim at puti ang kulay mayroon ding malapad na harden at malaking espasyo para maging tambayan. Pagkababa mo nga sa kotse ay hagdan kaagad papunta sa napakalaking pintuan ang makikita mo. Iginaya na ako ni Timothy papasok sa loob at sinalubong ako ng sobrang bangong scent na pangmayaman talaga. Pagkapasok mula sa pinto mayroong napakalaking salas kung saan maraming mga upuan at mayroon ding TV. Sa medyo loob-loob ng bahay makikita naman ang malaking lamesa at maraming mga upuan. Sa gilid ay mayroong hagdan kung saan nakatayo ang lalaking ubod ng puti, matangkad, maganda ang tindig at gwapo ang mukha na seryoso lang na nakatingin sa akin habang namamangha sa bahay niya. “Hey there, my future wife, welcome to your soon to be home.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD