Kitang-kita ko ang pagtitinginan ng mga kaklase namin sa pananatili ng pagkakahawak ni Jhay L sa aking kamay hanggang makalabas kami ng silid-aralan. Putsa! Daig pa namin ang mag-syota. “Tol, baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko,” sabi ko kay Jhay L. Sa totoo lang ayaw ko pa dahil kakaibang pakiramdam ang dulot nito sa aking katawan pero naisip ko na baka hindi lang niya napapansin. “Sorry Tol, gusto ko na lang kasing makalabas agad tayo.” “Saan tayo ngayon magpapalipas ng oras? Mamaya pa ang next class natin?” Tumingin sa akin si Jhay L at ayun, pinana na naman ako ng kaniyang nakaka-in love na ngiti. “Alam ko na, sa Fire Exit.” “’Di ba bawal doon?” nag-alalang tanong ko. “Oo, kung may makakakita sa atin. Pero siguradong wala. Lahat naman nasa loob ng klase this time. Alis na lang

