As usual, duty na naman ako rito sa Megabuild Construction Companyâo MCC, as they proudly call it. Ako si Carla Elmundo, glorified slave a.k.a. personal secretary ng CEO na si Digby Montrose. Yes, that Digby Montrose. Ang pinaka-hate kong tao sa buong Linus City. No. Buong mundo.
Kung may award lang sa pagiging mayabang, barumbado, at walang pakiramdam sa personal space ng isang babae, siguro triple platinum na ang tropeyo ni sir Digby.
And yet, here I am. Stuck.
Dahil sa kasunduan ng Montrose family sa yumaong parents ko, para akong ipinagkasundo sa trabaho'ng âtoâlifelong contract with the devil himself.
Pumasok ako sa opisina niya, dala ang kape niyaâblack, no sugar, no soul.
"You're late," bungad niya, hindi man lang tumitingin. Nakatuon pa rin ang tingin sa laptop niya habang binubuklat ang mga reports.
"Three minutes lang, sir," sagot ko, pilit pinipigilan ang inis.
âThree minutes is three minutes too much. I donât pay you to be almost on time.â
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Gusto ko na talagang sabihan siya na hindi naman siya ang nagpapasahod sa akin kundi ang buong kumpanya. Pero âwag na. âWag muna ngayon. Nandito ako para mabuhay.
Pinatong ko ang kape sa table niya, pero bago pa ako makalayo, bigla siyang nagsalita ulit.
âWhereâs the Montiel file?â
Napakurap ako. âYou didnât request for it kanina, sir.â
Bumaling siya sa akin. Tumayo. Slowly. Nakakunot ang noo. âYouâre my secretary. You should know what I need before I need it.â
âPasensya na po,â sagot ko, sabay yuko ng kaunti para magpakumbaba. Pero sa loob-loob ko, gusto ko na talagang pasabugin ang buong office niya gamit ang stapler.
He leaned closer. Too close. Again with the proximity issues.
âDo I need to remind you what happens when you disappoint me, Carla?â
Napaatras ako, pero hindi sapat. Inabutan pa rin ako ng kamay niyang humawak sa balikat ko, mahigpit pero hindi brutal. Just enough to remind me na kahit kailan, wala akong kontrol sa sitwasyong âto.
At kung hindi lang talaga ako may boyfriendâat hindi lang kapatid niya ang boyfriend koâI swear, sinapak ko na âto noon pa.
Von.
Von Montrose. The assistant CEO. The only light in this hellhole.
Siya lang ang dahilan kung bakit ako nakakasinghot pa ng konting sanity araw-araw. Mabait, understanding, matalino. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, minahal niya ako.
Sa tuwing kasama ko si Von, pakiramdam ko may dahilan pa para magtiis.
Kaya nang i-text ako ni Von that morning at sinabing magla-lunch kami sa rooftop garden ng building, agad akong ngumiti.
At least, I had something to look forward to.
Pero syempre, hindi puwedeng mawala ang demonyo sa routine ko.
âCarla,â tawag ni Digby habang palabas na ako ng office niya. âYouâll be joining me for a site visit this afternoon. Cancel your lunch.â
âSir, may appointment po ako withââ
âCancel. I donât like repeating myself.â
Gusto ko nang maiyak.
âUnderstood,â I said through gritted teeth.
Pagkalabas ko ng opisina niya, agad akong nag-text kay Von.
âLove, Iâm so sorry. Bigla akong pinasama ni kuya sa site visit. Tomorrow lunch na lang? Promise.â
May reply siya agad.
âOkay lang, babe. I understand. Be safe. Iâll wait for your kwento later.â
Diyos ko. Bakit hindi siya ang CEO?
By 1 PM, nasa loob na kami ng company van papunta sa isang residential construction site sa Highland Estates. Walang imikan. Ako, tulala sa bintana. Si Digby, busy sa phone niya habang nagsasalita ng seryoso sa speaker phone.
Pero ilang minuto pa lang, nagsimula na siyang mag-comment.
âWhy are you wearing that skirt?â
Napalingon ako sa kanya. âExcuse me?â
âThatâs too short for a site visit. Ayokong pinagpipiyestahan ka ng mga trabahador.â
Napasinghap ako sa inis. âItâs company-appropriate, sir.â
Tumawa siya. Isang mapanirang tawa. âYou think I donât notice how you dress when Vonâs around?â
âExcuse me?â
âCome on, Carla. Drop the act. Youâre playing both sides. Donât pretend youâre innocent.â
Nabigla ako. âAnong pinagsasabi nâyo?â
âYou act cold, but the night in my office? That wasnât cold. That was fire.â
Halos masampal ko siya sa sinabi niya. âThat was a mistake.â
âAnd yet you stayed.â
Napakuyom ako ng kamao ko, nanginginig ang dibdib sa galit. âI love Von. And youâIkaw ang dahilan kung bakit hindi ako matahimik!â
Lumapit siya. Lumapit siya kahit nasa van kami, kahit may driver. Umupo siya sa tabi ko, hawak ang braso ko.
âAt ako rin ang dahilan kung bakit ka gising tuwing gabi, di ba?â
âBitawan mo ako,â singhal ko.
Pero hindi niya ginawa. Bagkus, bumulong siya. âYou can hate me all you want, Carla. Pero I know you. Mas kilala pa kita kaysa sa sarili mong boyfriend.â
âShut up!â bulong ko, nangingilid na ang luha ko sa frustration.
Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong lumabas ng van. Gusto kong umiyak sa dibdib ni Von at sabihing, âI donât want to be near your brother ever again.â
Pero wala akong magawa.
Because somewhere deep down⊠the worst part is⊠Digby might be right.
And I hated him more for it.
Late na nang makabalik kami sa MCC. Tahimik ang buong biyahe. Tahimik ako. Si Digby? Abala sa pagtingin ng mga documents niya as if wala siyang sinabi kanina. As if hindi niya ginulo ang buong pagkatao ko.
Pagkababa ko ng van, hindi na ako tumingin sa kanya. Diretso lang ako sa office pantry para uminom ng malamig na tubig. Nanginginig pa rin ang kamay ko. Ilang ulit kong hiningaât pilit pinakalma ang sarili ko pero para akong lalagnatin.
That night. That stupid night.
Bakit ba kasi hindi ako lumaban? Bakit ako bumigay?
I shouldâve slapped him. I shouldâve walked away. But I didnât.
âStupid,â bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng pantry. âYou have Von. You love Von. Heâs everything Digby is not.â
âTalking to yourself, Carla?â
Muntik ko nang mabitawan ang baso.
Napalingon ako. At ayun siya. Nakatayo sa may pinto ng pantry, nakasandal, as if pag-aari niya kahit ang mga dingding.
âWag kang lalapit,â mariin kong sabi. âWe need to talk.â
Lumapit pa rin siya. Syempre. Kailan ba siya marunong makinig?
âTalk then.â
Naglakad ako papunta sa gilid para mas malayo siya. âI want to make it clear na yung nangyariâlast nightâit was a mistake. A big mistake. And it should never happen again.â
Tahimik siya. Nakatingin lang sa akin, analyzing me like some project blueprint.
Huminga ako ng malalim. âI love your brother. Von is a good man. Ayokong masira âyon. Sana lang... sana hindi na umabot sa kanya ang nalaman mo. Please, Digby. Letâs keep this between us.â
May bahid ng pakiusap sa boses ko.
At kahit nakakainis siyang tao, umaasa akong kahit konti, may konsensya pa rin siya.
Pero ngumiti lang siya. Isang uri ng ngiting lalong nagpainit ng tenga ko. Ngiting may alam, may kontrol.
âItâs on me.â
Napakunot ang noo ko. âAnong ibig mong sabihin?â
âIâm the one who decides whether or not he would know.â
Nanigas ang katawan ko.
âDigby...â
âLetâs not pretend, Carla,â aniya, lumapit muli. This time, hindi na ako umatras. Pagod na akong tumakbo. âYou think you can waltz into my life, throw a night like that at me, and expect me to forget it?â
âI wasnât trying to give you anything!â sigaw ko. âYou kissed me! You pulled me inââ
âAnd you didnât stop me.â
Tahimik.
Tumahimik ako.
Because heâs right.
I didnât.
âWhy are you doing this?â pabulong kong tanong.
He leaned closer, voice deep and cold. âBecause for once, you werenât pretending. You werenât the perfect secretary. Or Vonâs loyal girlfriend. You were just... you.â
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
âI hate you,â bulong ko. âI hate how you make me feel. I hate how you take things I donât want to give. I hate how you look at me like you know everything.â
âBecause I do,â mahinang sagot niya. âI know you better than Von ever will.â
Nangatal ang labi ko. âYou wonât tell him. Please, Digby. Please.â
He stared at me for a long second. Parang sinusukat niya kung gaano ko kayang magsumamo. Kung gaano kalalim ang kahihiyan ko. At pagkatapos ng mahabang katahimikan, ngumiti siyaâmaliit, mapanganib.
âDepends,â he said softly. âOn how you behave next time.â
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
âExcuse me?â
âIf you keep acting like this was nothing, if you keep running to Von and pretending youâre happy... I might feel generous. I might let you live your little lie.â
Nagpanting ang tainga ko. âYouâre disgusting.â
âAnd yet, you let me touch you like you werenât,â he whispered, stepping even closer, his breath brushing against my cheek. âYou can hate me all you want, Carla. But the truth is, Iâm already under your skin. You think one night is easy to forget?â
Pumikit ako.
Hindi ko alam kung mas galit ako sa kanya... o sa sarili ko.
âKung talagang may kahit anong respeto ka sa kapatid mo, donât drag him into this,â mariin kong sabi. âHe doesnât deserve to suffer for your obsession.â
Digbyâs jaw clenched. âYou think I donât know that? Vonâs always been the good one. The golden boy. But guess what? For once, I want something for myself. And if that something happens to be youâŠâ
âIâm not a thing.â
He looked at me with something wild in his eyes. Possessiveness. Fury. Want.
âThen stop acting like you donât want to be mine.â
I slapped him.
Mabilis. Matunog.
Hindi siya gumalaw. Hindi siya umalis. Hindi siya nagalit.
Ngumiti lang siya. âThere she is.â
Humakbang ako paatras, hawak ang dibdib kong mabilis ang t***k.
âI wonât let you ruin this. I love Von,â mahina kong bulong. âHeâs the only thing in my life thatâs real.â
âAnd Iâm the only one who makes you feel real.â
Tumakbo ako palabas ng pantry, naiwan siyang nakatayo doon, walang galos, walang kaba.
Baliw. Ang lalaki'ng ito, baliw.
Pero mas baliw ako.
Dahil kahit galit na galit akoâŠ
⊠may parte saâkin na natatakot hindi dahil baka sabihin niya kay Von.
Kundi dahil bakaâŠ
⊠baka hindi ko na siya kayang pigilan.