Umagang-umaga pa lang, mabigat na agad ang pakiramdam ko. Hindi dahil sa hangover—although, yeah, sumasakit pa rin ang ulo ko. Pero higit pa roon, may bigat sa dibdib ko na hindi basta-basta kayang tapatan ng kahit ilang painkiller. Pagbukas ko ng mata, puro tanong agad ang bumungad. Nagsabi ba ako ng kung ano kagabi? Napahiya ba ako? Bakit ang sakit sa loob kahit wala namang nangyaring masama? O baka kasi, ang masakit—ay 'yung baka may nangyaring mabuti... at ayokong aminin. Bumangon ako, dahan-dahan. Nasa kwarto pa rin ako, naka-robe at medyo disheveled. Pero wala namang ibang kasabay—tahimik ang paligid. Tahimik ang buong bahay. Hanggang sa naamoy ko ang... itlog? Kape? Agad akong napatayo. Digby? Lumabas ako ng kwarto, hawak ang laylayan ng robe ko, at sinundan ang amoy paba

