Inis kong nasabunutan ang sarili. Kung bakit naman kasi walang preno 'tong bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin, tumayo ako at naglakad nang pabalik-balik. Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Kung mali pala ako, bakit hindi siya nagpaliwanag man lang at nilayasan pa ako? Nakakainis talaga! Muli akong pabagsak na nahiga. Hindi, bahala siya. Kung ayaw niya akong kausapin, e'di magtiisan kaming dalawa. For more than six months, hindi ako tumingin o tumikim ng ibang babae. Palaging nasa kanya ang isip ko. Tapos ganoon lang ang daratnan ko pagbalik ko? That's so unfair! At nasaktan ako.. Hindi ko namalayang nakaidlipan ko na ang sama ng loob. Alas otso nang magising ako kaya pinili kong lumabas na rin. Medyo malamig na rin ang ulo ko, ang totoo ay parang hindi na nga rin masama ang loob ko.

