Mabigat pa ang mga mata ni Zyair ng makaramdam siya ng pagyugyog sa kanyang katawan kinabukasan. Namulatan niya ang mukha ni Sabel at tila bagong paligo ito. "Bumangon ka na, Zyair. Iuuwi na muna kita sa bahay ko. Medyo malayo yun dito kaya kailangan nating umalis ng maaga." Kahit lulugo-lugo ay tumayo na rin siya. Masakit ang ulo niya at pakiramdam niya ano mang oras ay masusuka siya. "Heto, malamig na tubig. Inumin mo." Utos ni Sabel sa kanya. Dahil nanunuyo ang lalamunan ay agad na nilagok ni Zyair ang laman ng bote. Malamig nga iyon kung kaya naubos niya ang laman. Doon pa lang siya tila nahimasmasan at gumaan ang pakiramdam. Saka sumagi sa isip niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Blur ang mga alaala at parang panaginip lang ang lahat. Sinipat niya ang katawan, nakadamit naman siy

