Tulala niyang tinitigan ang singsing na nasa palad niya. Hindi siya kumikibo bagama't nabakasan ko siya ng pagkabigla. Tumikhim ako at muling humugot ng hangin para palakasin ang loob ko. I don't know what might happen kapag inamin ko sa kanya ang totoo pero kailangan niya iyong malaman. "K-kagabi kasi sinubukan akong- uhm.. Akitin ni Martha. But, I pushed her away. Thats when she gave me the ring at ibalik ko na lang raw sayo.." Napakagat-labi siya at saka isinandal ang ulo sa headboard ng upuan. Tila malalim ang iniisip. "Simon.." Lumingon naman siya sa akin at mapait na ngumiti. "Siguro kanina mo pa dapat binigay sa'kin to, pero nalaman mong magpapa-check up na ako at si Martha ang inspirasyon ko kaya hinintay mo munang matapos ang check up bago mo binigay." Napayuko ako. Tama si

