14 YEARS BEFORE…. Balisa, uhaw, at gutom. Kanina pa rin siya nahihilo dahil sa init ng araw. Panandaliang sumilong si Zyair sa tapat ng isang bakery habang aligaga pa rin ang mga mata sa paligid. Naghahanap.. Nagbabakasakali na matanaw niya ang kanina pa inaasam na makita.. Ang kanyang Ina.. Pero wala… Sa dami ng tumpok ng taong paroon at parito, ni anino ng kanyang ina ay hindi niya man lang masilayan. Nanghihina siyang napaupo ng pa-iskwat, gamit ang laylayan ng suot na t-shirt ay pinunasan niya ang pawis na kanina pa tulo nang tulo mula sa kanyang ulo at noo. Gusto niya ng maiyak at mawalan ng pag-asa. Siguradong malayo na siya sa bayan nila. Hindi niya alam kung ilang lugar rin ang nilagpasan ng truck na palihim niyang nasakyan kagabi na umalis mula sa palengke nila. Hindi si

