“Are you okay?” tanong ni Bryan kay Brigette. Sinipat nito ang katawan ng kasintahan upang tingnan kung may galos ba ito o sugat sa katawan gawa nang pagtutulak ni Lyka sa dalaga. Hindi talaga niya maisip kung ano ang nasa utak ng dalaga kung bakit nito ginagawa iyon sa kanyang kasintahan. Ano ba ang nagawang kasalanan ng kanyang kasintahan para ganoon na lamang ang gawin nito? Bakit ba nito masyadong pine-personal ang kanyang kasintahan? Dahil ba ito sa mga mana? O dahil sa kanya? Impossible namang dahil sa kanya dahil may fiancé na ito at matagal na silang wala. Ni hindi nga siya nito minahal noon gaya impossible talaga iyon. Pero bakit parang may kirot iyon sa puso niya? No! Hindi siya dapat madala roon. Tapos na sila ng dalaga at kailangan niyang pagtuonan ng pansin si Brigette. Si

