Nanlaki ang mga mata ni Drix nang makita ang duguang katawan ni Lyka habang namumula na itong nakatingin sa kanya. "Fvck!" mabilis niyang inalalayan ang dalagang bumabakas na sa mukha ang sakit dahil sa natamong sugat. Who the hell did cross them and hurt her? Magkasama pa sila. Nasa gitna sila ng hallway at basta na lamang niya pinahiga ang dalaga roon upang suriin ang natamong sugat nito. Ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang magkumpula sa paligid nila. May iba na tumawag na rin ng saklolo ngunit sinabi niyang doctor sila. Nang masirugong hindi naman delikado ang tama nito ay mabilis niyang binuhat ang dalaga at itinakbo sa kanyang sasakyan. May first aid kit din doon kaya hindi naman siya nag-aalala. Lalapatan muna niya ito ng paunang lunas bago ito dalhin sa ospital. May nakasun

