Wala sa sariling umalis si Lyka sa mansion ng mga Santos pagkatapos nang komprontasyon nila ni Bryan patungkol sa anak nila. Hindi na ata kaya ng puso niya, ng utak nyia na makita ito kung kaya't kusa na siyang umalis doon. Nasa paanan na siya ng hagdanan nang maabutan siya ni Sebastian at sinabing umalis lang siya ngunit kailangan din niyang bumalik dahil kailangan siya ng don. Ayaw sana niyang pumyag ngunit inisip na lamang niya ang kapkanan ng don total ay malapit na rin namang mtapos ang trabaho niya rito. Habang nagmamaneho ng sasakyan ay hindi niya maiwasang mapaluha sa pag-alala ng kanyang nawalang anak. Ang alala nito ay dumagsa sa kanyang isipan at nanariwa ito a kanyang puso. Binabaybay niya ang kahabaan ng daan nang bigla na lamang umalog ang buong sasakyan. Dahil sa pagkabi

