Pagdating na pagdating sa kanyang kwarto ay mabilis niyang idinayal ang numero ni Bryan ngunit hindi ito sumasagot. Nakailang ring na ito ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-aalala siya dahil may alam na si Brigette sa namamagitan sa kanila ni Bryan. Guilty siya dahil hindi naman talaga maganda ang ginagawa ni Bryan at gusto niyang saktan ang sarili dahil sa kagagahan niya. Nang hindi niya matawagan ito ay nagpadala siya ng mensahe rito upang hindi ito mabigla sa kung ano mang sasabihin ni Brigette. Matapos niyon ay lumabas din siya sa kwarto upang tingnan ang mag-asawa. Nang makarating doon ay tanging ang ginang lamang ang naroroon. "Si Papa?" tanong niya rito. "Oh, may nilakad silang dalawa ni Sebastian. How's your day, hija?" tanong nito sa kanya. Pagkatap

