"What?" Drix answered from the unexpected call. "Okay, I'll come over." Mabilis ang kilos ni Drix. Tinungo niya ang kwarto ni Lyka at kumuha ng papel at ballpen. Gumawa siya ng sulat rito at inilagay ito sa side table na madalo nitong makikita kapag nagising ito. Matapos gawin iyon at kinuha niya ang susi ng sasakyan at lumabas ng condo. Mabilis niyang pinaharurot ito patungo sa presinto kung saan nakadetini ang suspect na sumaksak kay Lyka. Kaibigang pulis niya ang tumawag sa kanya. Mabuti na lamang at malakas ang koneksiyon niyon sa ibang presinto kaya mabilis ang paghahanap sa suspect. Nang makarating siya roon ay nadatnan rin niya ang don at si Sebastian na naghihintay sa kanya. "Have you talk to him?" tanong niya kay Sebastian. "We are waiting fot you," sagot nito sa kanya.

