UMALINGAWNGAW ang boses ni Pete sa silid ng under construction na mansiyon. Sa iritasyon ay hindi niya naiwasang hindi masuntok nang malakas ang pader.
“Nasaan ang mga babaeng iyon, Bernard? Nasaan!” He growled like a hungry lion.
“Pete, calm down. Getting mad isn’t the right way to deal with this,” pagpapakalma ng seksing babaeng si Martha.
“Then what is, Martha?! Mayroong magnanakaw sa loob ng bahay na ito! They stole my mother’s precious jewels!”
Hinahagod siya ni Martha sa kanyang likod as if kakalma siya rito. Hinilot ng binata ang kanyang sentido at sandali’y nahimigan ang boses ng mga babaeng magnanakaw.
“Ano ba! Bitiwan niyo nga kami! Hindi kami magnanakaw!”
“Ser, ito na po sila.”
Patapon silang binitwan ni Bernard sa harapan ni Pete. It’s like serving the lion king his preys. Pinasadahan ng binata ang mga dalagitang nasa harapan subalit napukaw ng isa ang kanyang atensyon.
“Ano? Ipape-presinto niyo kami? Wala nga kayong sapat na ebidensiya para suportahan ang pinagbibintang niyo sa ‘min!” lakas-loob na sigaw ng mapusyaw na si Tessa.
“Oo nga. Sir Pete, maawa naman po kayo sa’min-“
“Anong maa-awa? Bakit siya maa-awa? Dahil ba nagnakaw tayo? E, nagnakaw ba tayo? Hindi naman, ‘di ba? Kaya wala siyang karapatan para maawa-“
“Oh shut up, Tessa. We all know that you stole Tita Guada’s jewels. Mamahalin pa iyon. Siguro’y isasangla mo dahil kinapos ka sa pera,” singit ni Martha.
Bumaling ulit si Pete kay Tessa. “Shut up mo mukha mong ipokrita ka!” Matalim na tiningnan ni Tessa si Pete sa mata. “Bakit hindi mo tanungin ang isang ‘yan? Maybe she planned this all. Oh wait! She really did! Sa dumi ng ugali niyan—“
“Will you shut the f**k up?” bulyaw ni Pete sa mukha ni Tessa dahilan para matahimik ito. “You were clearly caught sneaking inside the room of my mother. Kuhang-kuha sa CCTV ang pagnanakaw ninyo, at pinagpipiyestahan ang mga alas ni Mama.”
Mabigat ang buntong-hininga ni Pete. Despite her alluring face, he couldn’t believe that this woman is a criminal. At pamilyar ang mukha nito. Parang nakita niya na ito dati pa. Her snow white complexion exudes innocence and fragility. Looks can really be deceiving.
“Hindi ako papayag kung magsampa ka man ng kaso dahil hindi totoo ang pinagbibintang ninyo sa ‘min. Tatawagan ko ang Papa ko at makararating ito sa kanya.”
Tinuro siya ni Tessa sa mukha. Ambang dadakpin ni Bernard ang mga kamay niya dahil masyado itong walang respeto pero nagmatigas ang dalagita.
“At kapag lumabas ang katotohanan, kayo naman ang i-dedemanda ko! Ikaw!” Marahas niyang turo sa mapanghusgang tingin ni Martha. “Isasama kita sa kasong libel!”
“Go ahead,” he drawled lazily. “Don’t be too confident about this, sweetheart. Mainam kong pai-imbestigahan ang nangyari. At mayroon na akong ebidensiya sa CCTV.”
He is attracted to her enchanting face. Too bad, she’s a robber. Tiyan na gagambalin niya ang buhay ng dalagita kung wala itong atraso sa kanilang pamilya. And damn those glimmering eyes because of her unshed tears. Gusto niyang ka-awaan ito ngunit hindi puwede. Looks can be deceiving, and he shouldn’t be deceived.
“Ma’am Tessa, ipinaparating po ni Senyor Theron na kailangan niyo na raw pong umuwi,” pagtawag ng driver sa dalagita.
He watched as Tessa leave but before she left, she gave him a death glare. Lumunok ang binata.
Sinukbit ni Tessa ang bag at saka’y pumasok sa kotse.
* * *
“ANONG gulo na naman itong pinasok mo, Teresa?!”
Pagod at nanghihina, umupo siya sa sofa nila at humilig sa headrest. Tinititigan niya ang kanilang ceiling habang mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
“Kahihiyan ang ginawa mo, Teresa! Ilang beses ka ng pinagalitan ngunit ka pa rin natuto! May natututunan ka ba sa pinag-aralan mo, ha? Ipasok mo kasi sa kukote mo! Huwag iyong katangahan ang pinaiiral mo! You are a disgrace to this family!”
Dinuro-duro pa siya ni Theron. Walang emosyon ang mukha ni Tessa. Hindi na siya naiiyak tuwing pinagsasalitaan siya nang masama. Sanay na siya rito sa ilang beses ba naman siyang naghatid ng kapalpakan sa pamilya niya.
“Hindi mo alam kung gaano ka-sahol ang ginawa mo sa mga Salviejo. Ninakaw ninyo ang mga mamahaling alahas ni Donya Guada, at ikaw pa talaga ang namumuno roon!”
She lost her composure at padabog na tumayo. “Hindi nga kami nagnakaw! Ang tigas ng kukote niyo! Mali ang pinagbibintang nila sa ‘min. Naniwala ka naman sa tangang Salviejo’ng ‘yon at sa uto-uto mong bodyguard—“
“Respect your father and Robert, Teresa!” sikmat ng ina.
Kinapos sa hinga si Tessa sa pagsigaw. Her eyes are warming up and she wanted to cry. She wanted to cry so bad. Ngunit hindi naman siya kaa-awaan ng mga magulang kung gagawin ito. Magmumukha lang siyang katawa-tawa.
“Haharapin mo mag-isa ang anumang parusang ipapataw sa iyo ng mga Salviejo. We have had enough. I have had enough, Teresa. Magmula ngayon ay hahayaan na kita sa buhay mo. Wala ka ng katuwang sa pamilyang ito,” deklara ng ama at kapagkuwa’y lumabas.
Kumaripas ng takbo sa itaas si Tessa at nagkulong sa kuwarto. Nilabas niya ang itim na kuwaderno at sinulat doon ang buong pangyayari, at ang mga hinanakit sa sugatang, batang puso. Habang nagku-kuwento sa diary ay tumutulo ang kanyang maiinit na luha.
And she cried herself to sleep – with a grieving and heavy heart.
* * *
APAT na araw ang nakaraan magmula noong alitan nila ni Theron. Namamaga pa rin ang mga mata niya at malimit na nakikipag-usap sa mga nakahahalubilo sa escuelahan at sa bahay. Noong gabing alitan ang huling umuwi ang ina’t ama sa kanilang mansiyon. Puro kasambahay niya lang ang kasama.
Tinupi ni Tessa ang panibagong sulat na ipinadala ng kanyang Kuya Theron. Junior siya ng ama nito. Tinago niya ang sobre sa cabinet.
Kinakamusta lang siya nito at pinapayuhang huwag na maging suwail sa mga magulang. As if she’ll ever follow it. And if ever she will, hindi rin naman mapapansin ng kanyang ama at ina nito.
“How I wish I was like you,” bulong-bulong niya sa sarili.
Dahil kahit anong gawin ng kanyang Kuya Theron ay palaging napupuri ito. Kahit pa magkamali ay kinakausap ng masinsinan. E, siya? Sinisigawan at minsa’y gusto pang saktan. Minsan ay palaisip nga kay Tessa kung totoo ba siyang anak o hindi.
“Hi, Reya! Puwede bang sumama sa birthday celebration ni Jovin?” tanong niya sa kaibigan.
“Sure! Puwedeng-puwede kang sumama mamayang gabi. It’s 6 PM. Huwag mong kalilimutan, a?”
“Oo naman,” they both laughed unreasonably.
Matapos ang buong klase ay nagkumahog si Tessa sa paghahanap ng masusuot. Marami siyang bestida na binili ni Teresita (ang nanay niya) galing pa sa ibang bansa. In the end, she wore a pastel lavender spaghetti strap swing dress. She partnered it with a beautiful sandals at nilguay ang kapeng buhok.
She looked at herself in the mirror. Kahit na nagpulbo na siya ay imposibleng matakpan ang kanyang eye bags.
“Ang ganda mo naman, Tessa!”
Nginitian niya lang ang mga kalalakihang pumupuri sa kanya. Pinagpipiyestahan ang kanyang malayang braso ngunit wala siyang kaso roon.
“Reya!” tawag niya sa kaibigan.
“Tessa! I’m glad you really came! Kumain ka muna. May pa games daw mamaya.”
She giggled. “Hindi ako sasali.”
“Oh! I’m sure you will.” Kinidnatan siya nito.
Habang kumakain ay nawili siya sa mga pinagu-usapan ng mga magkakaibigan. Pansamantala niyang nakalimutan ang problema sa bahay. Maya’t maya lang ay inanunsyo ni Joven ang pa-games.
“Ano ito? Children’s party?” Naghagalpakan sila sa tawanan.
“Tanga! Kailangan natin ng dalawang participant sa larong ito. Limang minutong ikukulong ang manlalaro sa isang madilim na kuwarto, at malaya silang gawin sa loob. Pagkatapos ng limang minuto ay palalabasin sila at susunod naman ang susunod couple. Ayos ba iyon?”
Marami ang naghiyawan dahil sa thrill at tension. Sa karikitan ni Tessa ay marami na ang nagbabalak na i-kulong siya ngunit hindi alam kung sino ang ipapares.
“Huwag iyong pangit ang ipares kay Tessa! Nakakahiya naman!”
“Ang harsh mo sa pangit!” At nagtawanan sila.
Tumikhim si Jovin at tinapik-tapik ang ulo ng mikropono. “May I call on Miss Tessa de Leon?” pabirong pormal na pagtawag.
Naghiyawan ang mga kalalakihan sa tuwa at excitement. Mayroon pang nagsisisigaw-sigaw na siya raw ang itinakda ng Panginoon para makapares ang dalagita, dahilan upang sumabog si Tessa sa tuwa.
Nakatayo ang kanyang balahibo na para bang inihipan nang malamig na malamig na hangin. Pinapasok siya sa madilim na kuwarto. Talagang madilim iyon.
“Nasaan ang kapares ko?” tanong niya sa hamba ng pintuan.
“Ipapasok lang namin kapag nakahanap na.”
Mayroon pa sana siyang idaragdag ngunit sinara kaagad ang pinto. It was locked.
She searched for the end of the bed and sat there. Wala talaga siyang makita sa malawak na kuwarto. Baka ay mayroong aswang doong nagtatago.
Sa isip ng dalagita’y nagdarasal siyang sana’y guwapo ang maka-pares upang sulit ang limang minutong inaksaya niya. At sana’y hindi naman magloko ang mga loko-lokong nasa sala.
Sandali lamang ay bumukas ang pinto at mayroong pumasok. Mataas, ang unang napansin niya. Sayang at hindi niya naaninag ang mukha nang pumasok ang liwanag!
Subalit kahit sa malayo ay nasasamyo niyang guwapo ito. Suminghap si Tessa. Sana nga... At sana’y may mangyari sa kanila.
* * *
MALAKAS ang bawat hila ni Justin kay Pete nang pinarada nito ang sasakyan sa tapat ng venue ng party’ng pinuntahan.
“Bitiwan mo ko, Justin, ano bang problema mo?” reklamo nito at binalikwas ang braso ni Justin.
“Pare, hindi mo ito puwedeng palagpasin. Halika na!”
Hinila siya nito hanggang makarating sa hamba ng pintuan. Nang matanaw siya ng mga bisita ay pati pa ito’y humihiyaw na papasukin siya. Papasukin saan? Sino ba’ng papasukan ko? His lips formed a playful grin.
“Katuwaan lang ito, Pete. Pangako, magugustuhan mo ‘to. Puwede mo pang ligawan kung trip mo,” sabi ni Jovin na tulak nang tulak sa kanya.
“Ano ba ‘to?”
“Malalaman mo kapag pumasok ka.” Ngumisi ito.
“Teka—“
Subalit huli na ang lahat. The room was dark and the door was already locked. Ano raw ang ibig sabihin ng mga kaibigan? Magugustuhan niya ang gagawin? Paanong magugustuhan e napakadilim naman? At puwede raw’ng ligawan. Ibig sabihin, sa loob ng madilim na kuwarto, may babae siyang kasama.
Ngumisi si Pete at binasa ang pang-ibabang labi. Let’s see...
* * *
Thank you!