Chapter 2

1356 Words
Selestine's POV. "Naniniwala ka na ba ngayon sa magic?" tanong ni Tita Sandra sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng Magic World School. "Ah, slight?" Nag-aalinlangan pa ko sa naging sagot ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na totoo pala talaga ang mahika sa mundo. Huminto kami sa isang napakalaking kuwarto. Pagkapasok namin sa loob ay naabutan namin ang mga tao na may kanya-kanyang ginagawa. Eh? Lahat sila kumakain ng candy? Wew. Nabubusog ba sila niyan? I mean ang mga tao dito, iba't iba rin ang kulay ng buhok at mata nila. Lahat sila ay napahinto sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa direksyon namin ni Tita Sandra. Napabuntong hininga ako ng malalim ng mapansin na tila sa akin sila nakatingin ngayon. Bakit hindi ko mabasa ang sinasabi ng kanilang mga mata? May kung ano silang gustong iparating sa akin, pero hindi ko mawari kung ano. Parang tumigil ang oras. Pigil na rin ang paghinga ko. Katahimikan ang namayani sa aming lahat. "Kayong lahat makinig,” pahayag ni Tita Sandra sa lahat. "Ipakilala mo ang 'yong sarili," bulong niya pa sa 'kin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I'm Selestine Dennise Amores. Call me Seles if you want." Nakayuko ako ng magsalita dahil nakakaramdam talaga ko ng kung ano sa bawat titig nila. Para bang sinusuri nila ang buo kong pagkatao. May tumayong babae na may kulay orange na mata at buhok. "Ano naman pong magic ang mayroon siya?" 'Sagutin mo ang kanyang katanungan.' Utos ni Tita sa aking isipan na sana balang araw ay masanay na rin ako. "Wala akong magic,” mahinang tugon ko sa tanong ng babae. Napansin kong nagbulungan ang lahat at tila hindi makapaniwala sa sinagot ko. "Hindi maaari ‘yon. Lahat ng taong nakatira dito ay may kapangyarihan at kung sakali, ikaw lang ang wala." Sabat ng isa pang babae na kulay brown ang mata at buhok. "Well, ang totoo ay mayroon siyang magic katulad na 'tin ngunit hindi pa nalalaman sa ngayon. May iba pa ba kayong katanungan? " tugon na ni Tita Sandra sa lahat. "Wala na po," wika ulit ng babaeng brown ang mata at buhok. "Mabuti. Maaari n'yo ng ipagpatuloy ang ginagawa ninyo. Siguraduhin din na makakapasok kayo ng maaga bukas. Seles, halika at may ipapaliwanag ako sa ‘yo." Hinila niya ko palabas ng kuwartong 'yon at nagtungo kami papunta sa isang napakalaking kuwarto ulit. Kulay puti ang theme ng kuwarto pagkapasok namin sa loob. May maliit na sala set at walang TV. May tulip flower na nakadisplay sa lamesa malapit sa bintana. "Ito ang aking silid. Nais kong mabatid mo ang ilang mga bagay tungkol sa mundong ito." Muli siyang ngumiti sa akin. Umupo ako sa isang napakalambot na sofa at sa kaharap na sofa ko naman umupo so Tita Sandra. "Una, tungkol sa mga bagay dito sa Magic World. Pagmasdan mo ang iyong kasuotan, Seles." Utos niya. Kaya naman agad akong tumingin sa aking suot tulad ng kanyang sabi. Bahagya akong nagulat sa suot ko. Nakasuot ako ngayon ng color snow na dress at black na flat shoes. Wala naman akong ganitong damit ah. Napansin ko ang pangalang nakalagay sa belt. 'Magic world' Dahil dito ay naliwanagan ang aking isip. "Ang kulay ng 'yong mata at buhok ay nakabatay sa kung anong klaseng kapangyarihang mayroon ka. Kung ano ang kulay ng ‘yong mata at buhok ay kulay din ng 'yong damit at dahil hindi mo pa natutuklasan kung anong kapangyarihan ang mayroon ka, mananatili pa rin sa normal ang iyong mata at buhok," paliwanag ni Tita Sandra. Hindi na ako kumibo o nagsalita. Nakinig nalang ako sa kanya. "Ang gold na kulay ng mata at buhok. Ito ay mind magic. Kaya nitong kontrolin ang lahat ng mahika. Kung ano ang gustong mangyari sa pamamagitan ng isip ng taong may taglay ng kapangyarihang ito ay mangyayari." Kakaibang tingin ang ipinukol niya sa akin pagkatapos sabihin ang mga katagang ito. Pinagpatuloy niya ang kanyang pananalita. "Ang kulay asul na mata at buhok. Ang blocking magic. Kaya nitong pigilin ang ano mang kapangyarihan na maaaring pumatay sa kanya. Sunod ang kulay puting mata at buhok. Katulad ng sa akin. Ang hair magic." May flute siyang kinuha sa kanyang bulsa na hindi ko alam kung paano nagkasya. Nang simulan niyang patugtugin ang flute ay biglang humaba ang buhok niya. "Sa oras na tumama sa 'yo ang kahit isang hibla ng buhok ko ay unti-onti kang hindi makakagalaw hanggang sa tuluyan ka ng lamunin ng buhok ko." Nang ibalik niya na sa bulsa ang flute ay muling nagbalik sa dati ang kanyang bbuhok "Sunod ay ang kulay purple na mata at buhok. Ang poison magic. Mapanlinlang ang taong may taglay ng kapangyarihang ito. Kung agad kang magtitiwala sa taong may kapangyarihang tulad nito ay maaari kang mapahamak." Tumigil siya sandali sa pagsasalita at nginitian ako. Nakakaramdam na ko ng pagkailang sa kinikilos niya, pero hindi ko nalang mas'yadong binigyan ng pansin. "Ang kulay berdeng mata at buhok. Ang past, present and future reading magic. Maaari nitong mabasa ang past, present and future mo. May kakayahan din itong makapasok sa panaginip mo. Ang kulay abong mata at buhok. Ang illusion magic. Kaya nitong makagawa ng illusion laban sa 'yo lalo na kung malalaman nito ang kahinaan mo. Ang kulay lila, pula at kayumangging mata at buhok. Ang earring, ring and bracelet magic. Sa oras na may hinagis sa 'yong earring ay hahabulin ka na nito hanggang sa ikaw ay mamatay. Ang ring naman ay kapag hinagis rin sa ‘yo ito ay lalaki ang size nito hanggang sa pumasok ito sa katawan mo at mahati ka. Ang bracelet naman ay parang nagiging kutsilyo sa tulis hanggang sa saksakin ka nito at patayin ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ultimo pala maliit na accessories sa ordinaryong mundo ay may malaking silbe sa mundong ito. Ang cool! "Ang kulay itim na mata at buhok. Ang manupulating magic. Sa oras na mapatitig ka sa mga mata nito ay maaari na nitong kontrolin ang buhay mo. Kaya mag-iingat ka sa taong ito, Selestine." Napansin kong parang may gusto siyang sabihin sa akin, pero hindi niya masabi-sabi. Ano kaya 'yon? "Ang kulay kahel na mata at buhok. Ang finger nail magic. Sa oras na humaba ang kuko ng taong may taglay ng kapangyarihang ito ay tutulis ito. Sa oras na masugatan ka ng kuko nito ay maaari itong magbigay sa 'yo ng matinding paghihirap." Kita mo? Kahit kuko lang ay armas na pala dito. Ang saya naman. Hahaha. "Ang panghuli ay ang kulay silver na mata at buhok. Ang hand magic. Parang b***l ang kamay ng taong may taglay nito na mas malakas 100 times sa bala ng kanyon." "Yan ang mga kulay na may malalakas na kapangyarihan. Ang ibang kulay na hindi ko nabanggit ay med’yo malalakas nalang. Kaya nararapat lang na magsanay ng maigi ang mga taong hindi ganito klaseng kalakas," mahabang paliwanag ni Tita Sandra sa 'kin na med’yo naintindihan ko naman. "Sa ngayon ay tumabi ka muna sa aking pagtulog at bukas na bukas din ay magsisimula na ang pamumuhay mo dito sa Magic World,” wika niya pa. Naglakad na siya at humiga sa kanyang kama. "Opo, Tita Sandra." "Nga pala. Ang mind reading ay ang special ability na ‘tin. Lahat tayong may kapangyarihan ay may kakayahang makabasa ng isip ng kapwa na 'ting may kapangyarihan din," dugtong niya pa habang nakapikit na. Naglakad na rin ako patungo sa kama nang may biglang tanong na pumasok sa isip ko. “Paano po kapag biglang nadikit sa 'kin ang buhok mo habang natutulog tayo?” "Haha. Normal lang ang buhok ko kapag hindi ko pinapatugtog ang flute ko," tugon niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Hehe. Okay po," saad ko at saka humiga sa kama katabi niya. Siguro pagkagising ko bukas marami ng mababago sa buhay ko. Sana naman maaga kong matuklasan ang kapangyarihan ko, pero. . . Paano kung wala talaga akong kapangyarihan? Ibabalik kaya ako ni Tita sa ordinaryong mundo? Kung saan walang magic? Hala! Nakalimutan ko si Mama at Kuya Iahn. Baka nag-aalala na sila sa akin. Kumusta na kaya sila? Tiyak na lagot ako kay Mama. 'Seles, matulog kana.' Utos ni Tita Sandra sa isipan ko. Waah! Nabasa ni Tita ang lahat ng nasa isip ko. Masubukan ko nga rin. 'Opo, Tita.' Hindi nagresponse. Baka tulog na si Tita o 'di kaya hindi lang niya talaga narinig. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD