Brynna's POV. Kanya-kanyang sumugod sa amin ang lahat ng kalaban. Lahat ng nandito ngayon ay naglalaban. Puro tunog ng mahika o armas ang maririnig sa buong paligid. Wala pang isang minuto ay nagkulay dugo na ang paligid dahil sa mga nasugatan at sa lahat ng namatay. Kalaban ko ngayon si Jeoff Light. Ang fingernail magic user. Sumugod naman kay Kendrix si Rexsha. Ang ring magic user. Kay Alliexynne naman ay si Stave. Ang g*n magic user. Kay Horin si Daine. Ang earing magic user. Si Samaine, ang bracelet magic user naman kay Kurt. Si Seles naman kasama ang kanyang kuyang si Iahn ay sumugod sa mga teachers at iba pang namumuno sa Magic World school. Past, present, future reading magic vs. finger nail magic. Poison magic vs. ring magic. Hair magic vs. g*n Magic. Illusion magic vs. Ear

