“Ang lakas ng ulan. Nakakainis naman oh! Nabasa pa tuloy ako,” iritado kong pinagpapapagpag ang uniporme kong nabasa.
“Bakit kasi hindi ka nagdala ng payong?” natatawang sabi ni Brooklyn na agad kong pinandilatan ng mga mata.
“Malay ko bang uulan ngayon. Where's Clara?” tanong ko at naupo.
“Hindi pa yata tapos ang klase nila. Anyway, congratulations sa assignment mo. Paano mo nagawa 'yon?”
Si Brooklyn at Clara ay mga barkada ko na since first year college. Actually, sila lang ang mga kaibigan ko. Kahit na feeling ko friendly naman ako. Pero ewan ko ba at parang ilag ang mga students ng SACI sa akin. Well, nakasanayan ko na rin naman.
I heave out a sigh. Hindi ko alam kung paano kong sasagutin ang tanong ng kaibigan ko. I didn't know what to tell her. Sunod sunod na itong pagkaka-perfect ko sa mga assignments ko. Kahit sa mga quizzes ay pumapasa na ang mga scores ko na sigurado kong pinagdududahan na ng prof. namin sa Biochemistry. Aminado naman kasi akong hindi talaga ako katalinuhan at alam 'yon ng lahat. Ganda lang kasi talaga ang ipinamana sa akin ng mga magulang ko.
“So? Aren't you going to answer my question? Pumayag ka na ba sa private tutor na inaalok sa iyo ng mommy mo?”
I shook my head.
“Nag s-self study ako. Anyway, um-order ka na. Carrot cake and hot chocolate ang gusto ko.”
Pinagkunutan niya ako ng kilay. I know, hindi siya naniniwala sa akin. Pero iyon naman talaga ang totoo. Nag s-self study ako, but with the help of someone. Hindi ko nga lang kilala kung sino.
May sumasagot kasi ng mga tanong ko na isinusulat ko sa desk ko. It's vandalism I know, pero wala namang pakialam ang mga professor namin. It's been a month since I've done this. Nagsimula lang naman ito nang minsang ma-bored ako sa klase. Isinulat ko 'yong tanong ng prof na hindi ko nagawang sagutin, kinabukasan ay may sumagot na. Ang alam ko ay may klase na pang gabi. Siguro ay isa sa mga night students. Hindi na rin ako nagtangka pang kilalanin. Kuntento na ako sa ginagawa niyang pagsagot sa assignments ko na nasa papel na nilalagay ko sa ilalim ng desk.
But now that I am learning so much from him or her, I think kailangan ko na siyang kilalanin at magpasalamat ako ng personal.
“AHHHHH! NEOOOOO!”
Ang kaninang tahimik na cafeteria dahil sa malamig na panahon ay bigla na lamang nagkagulo dahil sa pagpasok ng kung sino. Nalukot pa ang mukha ko pero nang nakita ang wagas na ngiti ni Brooklyn ay napatingin na rin ako sa pumasok.
Tumaas ang dalawa kong kilay.
“Ang future husband ko,” Brooklyn said habang pinagpapantasyahan ang lalaking kapapasok lang na nakasuot ng itim na hoodie.
Naitukod ko rin ang siko ko sa lamesa at ipinagpahinga ang baba ko sa palad ko habang nakangiting pinagmamasdan ang lalaki. Saang pamilya kaya siya nabibilang? Maybe I can talk to dad and tell him na itong lalaking ito ang pakakasalan ko.
Siguradong pati si dad ay hahanga sa kagwapuhan ng lalaking ito. He has strong features. A hawk-like eyes, prominent jaw . . .
Napaayos ako ng upo at sumimangot nang nagdiretso siya papasok sa pinakaloob ng cafe, naghubad ng hoodie jacket at nagsuot ng apron.
“W-what the hell?” Hindi ko naiwasang mapamura.
“Ano? Hindi papasa sa standard niyo 'yan no! Waiter at janitor lang 'yan dito,” sabi ni Brooklyn at itinaas na nga ang isang kamay.
“Ganyan kagwapo?”
Nakangiti siyang tumango. “Siya ang pinakagwapong waiter na nakilala ko.”
“Neo, kunin mo 'yong order ng table number 3!” Narinig kong utos ng babaeng kasama no'ng lalaki na Neo pala ang pangalan.
Napatingin ako sa card na nasa lamesa, sa harapan ko. Number 3.
Agad na nanuot sa ilong ko ang mumurahing pabango na gamit ng lalaki nang tumayo siya sa tabi ko. Alam kong mumurahin iyon pero mabango. Very manly and . . .
Napapikit ako at mas inamoy pa siya. Hindi ako magsasawang amuyin siya, kahit araw araw pa.
“Ada, ano nga ulit 'yong order mo?” Brooklyn said.
Nagmulat ako ng mga mata at agad 'yong tumama sa lalaking nakatingin na ngayon ng seryoso sa akin, naghihintay sa order ko.
Hindi ba siya ngumingiti? Kanina rin ay hindi niya man lang nginitian ang mga babaeng bumabati sa kanya. O baka naman iritado lang siya dahil sa sama ng panahon. Napatingin ako sa balikat niya at nakitang medyo basa nga ang mga 'yon.
“Ma'am? Oorder po ba kayo o hindi?” mababa at malamig ang boses na sabi niya.
“Neo . . . Neo right?”
Hindi niya ako sinagot. Not even a single nod. He just stand there and looked at me like I'm stupid.
“Nasa menu ka ba?”
“Ada?” Hindi makapaniwalang ani Brooklyn, there's humor in her voice.
The lips of the man standing beside me started to twitched. He wants to utter a word but ends up smiling. Though, hindi fully smile. Pero at least I made him smile.
“Mukha ba akong binibenta?”
I shrugged my shoulders. “Baka lang naman. Ikaw ang gusto kong orderin, e.”
He smirked. “Kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo. Pasensya na pero hindi mo ako mabibili.”
“You can buy me instead.”
“I can't afford a brat like you.”
“What?”
Napasimangot ako.
“Can I take your order now? Hindi lang po kayo ang customer.”
“Ugh! One slice of carrot cake and hot choco sa akin,” sabi ko na lang at nag iwas na ng tingin.
Binanggit niya pa ulit ang mga in-order namin ni Brooklyn bago siya umalis.
“Ada, ano 'yon? Don't tell me, bet mo din siya?”
“Brooklyn, sigurado kang hindi 'yon anak mayaman?”
“Oo no! He's an orphan at dito siya nagtatrabaho sa umaga, sa gabi ay nag aaral siya sa school natin. Medical student din gaya natin. He's under Mr. Griffin's scholarship program.”
“Kay Tito Frank?”
“Yes. Graduating na nga 'yang si Neo and according to them, baka siya pa ang maging summa c*m laude sa batch nila.”
“Anong apelyido niya? Sigurado kang ulila siya? Baka anak mayaman din siya at nagtatago lang sa katauhan ng pagiging mahirap. Or he might be a son of a businessman pero ang gusto niya ay magkaroon ng sariling pangalan. Hindi ba may mga ganun?”
Hindi ako nagawang sagutin ni Brooklyn. Napatalon rin ako sa gulat nang biglang padabog na inilapag sa lamesa namin ang mga order namin.
Nag angat ako ng tingin kay Neo at nakitang nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Umawang ang labi ko. Gusto ko sanang magsalita pero tinalikuran na niya agad kami.
“Alam mo, Adaline. Kanonood mo 'yan ng mga romantic movies!”
“Curious lang naman ako.”
Naningkit ang mga mata ni Brooklyn habang nakatingin sa akin. “And why? Huwag mo talagang sabihin sa akin na interesado ka sa kanya. Tigil-tigilan mo ang Neo ko!”
“Neo mo? Naku! Tigil-tigilan mo 'yang pagpapantasya mo sa kanya, Brooklyn! Hindi siya magiging sa 'yo because he'll end up with me,” sabay lingon ko kay Neo. He's serving the other table at nang naramdaman marahil ang mga titig ko ay nag angat siya ng tingin sa akin.
Nginitian ko siya't kinindatan pero hindi man lang ako pinansin at tinalikuran pa.
Narinig kong humagalpak ng tawa si Brooklyn. “Hindi niya type ang mga katulad mo no! Lalo ka na. Ayaw niya sa babaeng may pink na buhok.”
Sinimangutan ko siya at kumain na lamang ako sa cake ko. What's wrong with my hair?
Eksakto namang dumating si Clara at ang bestfriend niyang si Dwight Buenaventura. Kakatila lang din ng ulan.
“Kanina pa kayo?” tanong ni Clara.
Ipinaghila siya ni Dwight ng upuan at agad akong napangiti. I have this feeling na may nararamdaman na itong si Dwight kay Clara. Hindi lang napapansin ng kaibigan ko since she's into another man.
“Ako kanina pa. Si Adaline, ngayon ngayon lang.”
“Ang tagal kasing natapos ng klase nitong si Dwight e. Saka naipatawag pa sa dean's office,” nakabusangot na pagkekwento ni Clara.
“Na naman? Ano na namang ginawa mo?” ani Brooklyn.
“Pinagdiskitahan na naman ng grupo nina Troy. Buti na lang talaga dumating si Zoren. Kita mo na, Dwight? Pati ikaw sini-save ni Zoren tapos aayaw-ayaw ka pa sa kanya for me.”
“He saved me because I'm his bestfriend, Clara! Hindi dahil kaibigan mo ako!”
“Bestfriend naman tayong tatlo. So bakit hindi mo na lang ako suportahan sa magiging relasyon namin?”
“Because I know he'll end up hurting you. Alam mo namang fuckboy ang kaibigan nating 'yon.”
“Oh! I don't care about his past. He said he'll change for me.”
Hindi sumagot si Dwight at umiling na lang. I'm sad for him. Bakit kasi nagpapaka-torpe?
Hindi ako naglalagi sa cafe na ito at ngayon lang talaga ako nagawi dito dahil sa important announcement daw ni Brooklyn tungkol sa birthday niya kaya ngayon ko lang nakita si Neo at ngayon ko lang nalaman na kaibigan pala siya nina Dwight at Zoren.
Iniimbita nila ito sa party ni Brooklyn pero mukhang ayaw nito at hindi ito interesado sa mga ganun.
Dumating na lang ang driver ko ay hindi pa rin nila napapapayag si Neo. Isa-isa akong nagpaalam sa kanila. Magpapaalam din sana ako kay Neo ang kaso ay mukhang nakakahiya naman since we're not friends pa and we're not properly introduced too. Kaya imbis na magpaalam pa sa kanya ay nagdiretso na lamang ako palabas ng cafe.
Lumingon pa ulit ako sa cafe bago tuluyang umalis ang sasakyang lulan ako. And I saw him looking at me kahit pa panay ang yugyog sa kanya nina Dwight at Zoren.