Kabanata 13

689 Words
Umaga pa lamang ay nagpunta si Ava sa may likod-bahay. Napag-alaman kasi niya mula sa mga katulong na maganda ang paligid doon. May mga naggagandahang bulaklak ng mga rosas na may iba't-ibang kulay at mayroong man-made na hotspring pa. Napakalaki ng bahay. May maraming iba't-ibang mga uri ng tanim na namumulaklak na nakapaligid sa malaking mansyon, puno at artificial na fond na may tulay pang kasama bilang disenyo. Meron ding naglalakihang artificial na mga bato sa paligid, at artificial na bundok. Nang marating ni Ava ang likod-bahay, napanganga siya sa ganda ng mga tanawin na kanyang nakikita. Sa umpisa ay hindi naniniwala si Ava na napakaganda ng likod-bahay at wala naman talaga siyang balak na hangaan ang mga tanawin at magagandang istruktura ng pamilya Prince dahil dahilan lamang niya ito upang pag-aralan ang pasikot-sikot sa mansyon at maisagawa ang planong pagtakas. Ngunit ng marating niya ang likod-bahay, hindi mapigilan ni Ava ang sarili na humanga. "Wow, ang ganda naman dito. Totoo nga ang sinasabi nila. Hindi ako makapaniwala na may ganito sa mansyon na ito. Para lang ako nag-teleport sa isang magandang bukirin." Taliwas sa mga nakikita sa mga syudad, ang likod bahay ay parang isang estrangherong lugar. Pakiramdam nga talaga ni Ava ay nasa ibang lugar na siya. Mabukid kasi ang paligid, kulay berde ang mga maliliit na d**o na nagmumukhang karpet na inilatag sa lupa upang magpaganda ng paligid. Preskong-presko pa ang naaamoy niyang hanging sa lugar dahil sa mga puno na nakatanim at mababangong rosas. Bahagyang lumuhod si Ava sa may tabi ng nakahilerang mga bulaklak. Masaya niyang inamoy isa-isa hanggang sa makarating siya sa may pinaka-centro ng lugar at matagpuan ang sinasabing hot spring. "Wow, hot spring! Ang sarap maligo!" Kumikislap ang mga mata ni Ava habang nakatingin sa may tubig. Lumapit siya rito at naglaro sandali. Maya-maya ay tumayo siyang muli at pumitas ng ilang pirasong mga bulaklak. Nakita siya ng dalawang katulong na dadaan lang sana lugar na iyon at nahintakutan sa kanyang ginawa. Kusang nanginig ang kanilang mga katawan habang pinapanood si Ava na masayang pumipitas na mga bulaklak. Sa bawat isang piraso ng bulaklak na pinipitas ni Ava, nadadagdagan ang takot sa mga mukha ng dalawang katulong. "Naku, pinitas niya ang mga alagang bulaklak ni Sir Lycan. Anong gagawin natin?" "Malilintikan talaga tayo kapag makita ni Sir na pinitasan ang mga rosas niya. Napakamahal pa naman niyan at mas mahal pa sa buhay natin." "Sawayin mo kaya." "Hala, bakit ako? Ikaw na. Asawa ni Sir Lycan iyan. Natatakot akong sumaway." "Mas lalo na ako? Sino naman ako para sumaway sa asawa ni Sir?" "Eh anong gagawin natin ngayon?" "Isumbong na lang natin siya kaagad kay Sir Lycan. Siguro naman, kapag nalaman niya na ang asawa pala niya ang may gawa, hindi siya magagalit." "Tara. Puntahan na natin si Sir." "Sige." Kaagad na nilisan ng dalawa ang likod-bahay at pinuntahan ang amo. Hindi pa man nakakarating ang dalawa sa mismong kwarto ng among lalaki, nakasalubong niya itong nagsusumigaw. Umiiyak habang hinahanap ang asawa. Napahinto ang dalawa at nagkatinginan. Saka sabay na napatanong sa isa't-isa. "Anong nangyari?" "Darling! Darling! Nasaan ka na? Nasaan ka na? Darling! Nasaan ka na? Magpakita ka na! Natatakot na ako. Ho ho ho." Sigaw ng among lalaki. Ang amo at guwapo ng mukha ni Lycan. Kaya habang umiiyak siya ay kaawa-awa niyang tingnan. Mabilis siyang sinalubong ng dalawang katulong. "Sir Lycan, magandang umaga. Hinahanap niyo po ba si Madam Ava?" Sabi ng isa. Pinahid ni Lycan ang kanyang mga luha gamit ang mga likod ng kanyang mga kamay pagkarinig niya sa pangalan ng asawa. "Oo. Oo. Nasaan siya. Nasaan siya. Nagising ako. Hindi ko na siya makita. Nawawala ang asawa ko." "Sir Lycan, huwag ho kayong mag-alala. Nasa likod-bahay lamang po siya." "Totoo po iyon Sir Lycan. Nakita po namin siya ngayon-ngayon lang." Sabi ng ikalawa. "Talaga?" Nagkislapan ang mga mata ng lalaki. "Pupuntahan ko siya." "Pero may masamang balita po kami na dapat sabihin. Pinitas po niya ang inyong—" "Tabi!" Hindi na hinintay pa ng lalaki na matapos magsalita ang katulong. Biglaan niyang tinabig ang dalawa patabi at kumaripas ng takbo papunta sa may likod-bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD