"Sa wakas may lumapiang shanghai din." wika ni Skyler ng makita na may shanghai sa buffet sa binayagan ng apo na anak na si Autumn at Ian. "Hiya ko na lang po sa inyo Tay," biro ni Ian habang buhat-buhat ang anak na 2-month-old pa lang pero mukhang nakain na ng kanin lamig sa laking bulas ng baby nila ni Autumn na pure breastfeeding. "Sana naman ay hinabaan n'yo naman ng konti napakaiksi naman isang subo lang." reklamo pa ni Skyler. "Tay, ano bang gusto n'yo lumpia o turon?" natatawang tanong ni Thunder. "Ikaw ang gusto mo anistisya o ambulansya, tabi diyan wag mo akong pakialaman." tinabig pa ang anak na tatawa-tawa. "Sino yung naka asul na dress?" tanong ni Dwight ng makita na may bagong dating na bisita kasama ang isang matangkad na lalaki na guwapo at matikas na parang si Apollo.

