"Asan si Nanay?" iyak ni Cloud na tumatakbo kasama si Luna at si Winter na mga nag iiyak na kasama si Doel na yakap ang asawa. "Nasa loob kasama si Thunder." sagot ni Storm panay na din ang pahid ng luha sa pisngi. Nasa loob na ng operating room ang Nanay nila na tinamaan pala ng bala ang lungs nito na kung na huli pa ng konti ang kilos ni Abby baka daw hindi na umabot ang ina nila sa hospital. "Tay.' tinakbo ni Luna ang ama na naka upo na sa sahig habang naka sandal sa pader. "Ate anong nangyari sa'yo." bulalas naman ni Luna ng makita nito ang mukha ni Tom na na mamaga dahil sa bugbog na natamo kay Ian. Bigla naman napalapit si Cloud at Winter para tingnan ang kapatid. "Jesus christ Autumn." bulalas naman ni Cloud na napa awa sa hitsura ng kapatid. "Ano ba! Ano ba nangyayari sa pa

