"Oh! Come on Ian, you can go better than that?" hamon pa ni Harvey na parang nang-aasar pa dahil naka apat na putok na si Ian pero lahat malayo kay Tom na may isang dangkal ang pagitan ng bawat tama ng bala. Napakagat labi naman si Ian na tumitig ng deretso kay Tom na 'di man lang kakikitaan ng takot pero galit sa mga mata nito lutang na lutang kung para kanino yun hindi n'ya alam. Nang kalabitin na n'ya ang gantilyo napasinghap ang lahat at napasigaw naman ang mga babae ng may umagos na dugo sa kamay n'ya. "Nice one, points for your bravery Tom. But next time na ibukas mo pa yan bibig mo sisiguraduhin ko sayo na wala ng bukas na nag iintay sa'yo sa loob ng underground." wika ni Harvey na tinapik pa sa balikat si Ian na hindi tuminag sa kinatatayuan habang nakatingin kay Tom na malinaw na

