"Higa!" galit na angil ni Charlotte sa anak na nag pipilit na bumangon ng hindi makita si Tom sa loob ng silid nito sa loob ng hospital. Sa lakas ng boses ni Charlie napalingon si Chase at Sevy na bumitaw kay Cristian na nag pipilit na bumaba ng kama nito habang si Charlie ay naka upo lang sa couch at nanahimik lang bigla naman napahiga si Ian na hinila pa ang kumot na nasa paanan na napatingin sa ina at sa isang kapatid na babae na si Chelsea na biglang naitago ang cellphone nito sa bag. Kapag kasi sumigaw na ang ina umasa kana na galit na ito at damay-damay ang lahat kapag nagalit ito na kahit kasalanan lang isa damay ang lahat. "Ang sabi ng ama mo ginawa mo ang katangahan na ito dahil sa pag hahanap mo sa pumatay kay Mary Grace, pero ng muntik ng mamatay si Autumn na inakala mong mamat

